Maaawa po kayo sa sansinukob
Taun-taon na lang nalulubog
Tuwing bagyo sa bayan namin lulukob
Habang kayong mga panginoon
Sa tuwing magkakaroon ng unos
Hindi makababa upang tumulong
Na sagipin kaming nilulunod
Ng inyong pagkasakim sa pandarambong
Hindi lamang po limos na relief
Sa kahapisan namin ang makasasagip
Hindi rin sapat na yaong apektado'y mailakas
Kung sa lilipatan unti-unti namang mauutas
Dahil walang tubig, dagitab at kabuhayan
Malayo sa trabaho, paaralan at ospital
Bakit nga ba kasi higit na matimbang
Para sa inyo ang kikitain ng pamahalaan
Gayong serbisyong panlipunan di namin maramdaman?
Bakit nga ba kasi higit na matimbang
Ang maibubulsa ninyo at ng mga dayuhan
Ang pera ng Pork Barrel na dapat para sa serbisyong panlipunan
Dahil galing ito sa pagod ng sambayanan
Sa amin galing...
Amen!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento