kaya ang maraming hapag
wala kahit tinik na isda
kaya maraming bahay at condominium
ang makikita mong walang nakasilong
dahil kalakhan inilikas ng kasakiman
doon na sa mga bangketa,
tabing estero, ilalim ng tulay piniling tumira
nagkakasya sa karton na pansapin
o mga lumang tabla o kahoy o pawid
at ayos na sa paghilata kapag dumidilim
kaya maraming pinuproblema
kung saan hahagilap ng pera
upang mapaaral ang mga anak at kapatid
kaya maraming namamatay sa pagkakasakit
at sa pampublikong ospital nagtitiis sumiksik
dahil sa pam-po-pork-barrel* nitong mga lintik!
Pam-po-pork-barrel* ang isa sa katiwaliang palasak noon pa man kung kaya laganap ang kahirapan sa bansa. Galing ang pork barrel o PDAF sa pagod ng mamamayan at dapat lamang na gugulin ito sa serbisyong panlipunan at hindi upang pagpestahan ng mga gahaman sa senado, kongreso at malakanyang. Kaya ang mapanghamong panawagan kina PNoy, Binay, sa mga senador at kongresista:#ABOLISHthePORKBARREL! Dapat direktang gugulin ang pork barrel sa serbisyong panlipunan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento