
nahiga sa kanyang bangketa
kamay na nagmamakaawa
basong plastik ay magkabarya
samu't sari ang mga paa
bumabagtas sa Avenida
may mayaman at paggitna
marami-rami ring maralita
may pulubing nanglilimos
mga nakayapak na musmos
sa mga along humahangos
naghihintay ng manunubos
Ang larawan ay mula sa pook-sapot na definitelyfilipino.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento