Huwebes, Agosto 29, 2013

[maria baleriz liwanag] kanayunan

                              mga baso't tapayan na isinahod sa labas
malapit nang mapuno nitong ulan

                                          may tubig nang malalasahan
                     mapapatid na rin ang uhaw

                          mainam na lang at umulan
                                                            mainam na lang at
                                                                mainam na lang
mainam na
mainam

sa mahal nang singil sa mga serbisyo
at sa taas ng mga presyo
upang ang kalam ng tiyan ay mapuno
at ang mangmang na isip matuto
saan pa nga ba tayo tutungo
gayong napakababa ng suweldo
at wala pang kasiguraduhan sa trabaho?

                                               pinasahol pa nitong korapsyon ang ating kahirapan
habang itong tao di malaman saan kukunin ang pagkain sa hapag
naroon sila at nagpapakasasa sa pinaghirapan ng mamamayan
kapag nahuli at nakasuhan
speacial treatment pa ang ibibigay sa mga ulupong at buwitreng kriminal

pati hustisya walang paglagyan sa tuwid na daan
saan pa nga ba tayo tutungo?


malawak na malawak ang kanayunan
na malawak ang kanayunan
malawak ang kanayunan
ang kanayunan
kanayunan

kung alam ninyo ang sinasabi ko...

ngiti.



Image by FlamingText.com

Walang komento: