ang dunong mong paglilingkod
noon, may awit kang hinimig
may dinuyan ka ring pag-ibig
noon, may tulang sinabuhay
pagpapakasakit ang alay
'pagkat pag-ibig para sa 'yo
huwag nakakahong ituro
na mamatay para sa bayan
ang tanging pinakasukatan
kundi buhay na lumalaban
para sa mga karapatan
ano man at nino man, saan man
'to ang pag-ibig sa sinilangan
ngunit paano ka kilala
ng nakaraan sa 'yong gawa?
ikalulungkot mo nga kaya
kung mabatid mong wala na nga
halaga sa kasalukuyan
ang paglayang ipinaglaban
sino ka nga ba, Bonifacio
para sa henerasyong ito?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento