Linggo, Hulyo 4, 2010

[tumula] deborsyo ang hantungan*


kayong lahat
malasin ninyo ang isa sa mga masugid na nanligaw
tatlong buwan humigit kumulang

matapos nito naging katipan
masalimuot ang mga sumunod na araw
ngunit natuloy din sa inaasam na kasalan

ikinasal ang bayan
lipos ng pag-asang magbabago ang abang kalagayan
lipos ng pag-asang makakaahon na sa kahirapan
at tumungo sa pulo't gata
isang daan ang itinakda
ngunit sa ikatlong araw nangagat na ng kusa!
madugo talaga ang pulot gata

hindi na nakapagtimpi ang halimaw
nagpapalit anyo kung saan kayang dayain ang silaw

mabulaklak sadya ang namumutawi sa dila
pero may nakaumang na sima

masdan ninyo ang tagapagligtas na hinuha
may pangil na naninibasib sa dugo
isang bampirang madilaw ang anyo!

nanligaw...
sinagot...
kinasal...

abangan ninyo ang paghihiwalay!

asahan ninyo
asahan ninyo
madugo ang kahahantungan
ng deborsyo!

*tula para sa marahas na pangyayari noong ika-3 ng hunyo 2010 sa kampuhan ng mga magsasaka sa mendiola, maynila. sa murang gulang ng rehimeng US-Pnoy...
+ang larawan ay mula sa pinoyweekly


Image by FlamingText.com

2 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

I would like to exchange links with your site piping-walang-kamay.blogspot.com
Is this possible?

piping walang kamay ayon kay ...

sure. it is possible. can i have ur email add. and your personal info if you wont mind.