Huwebes, Hulyo 22, 2010

[tumula] pintor

ang pintura ay di sapat
kahit ilapat mo ito sa canvass

kung sa obra walang pulso
kung sa likha mo hindi nakikibaka
ang puso

saksak puso
laslas pulso

hindi ganito
hindi

pakikihamon
pakikipagtunggali
para sa paglayang ating mithi

ito ang layon ng bawat pintura
ito ang silbi ng bawat brotsa


Image by FlamingText.com

Walang komento: