Miyerkules, Hulyo 28, 2010

[tumula] sa paglalakad ko isang araw pa-quiapo

sori
kung hindi ako makapag abot

sa nakaabang mong palad na
tila sapot

kahit singko sentimos
wala akong mahugot

sa bulsa ko't pitakang
mahihiya kahit lumot

hindi ako negosyante o pulitiko
na makakapagpatak
sa iyo ng kahit ano

aktibista ako
nagugutom din at palaboy
kagaya mo

handa akong mabuhay
upang ipaglaban ang pangarap mong mundo

ngunit handa rin akong mamatay
para sa paglayang minimithi ng kahit sino.
Image by FlamingText.com

Walang komento: