Biyernes, Hulyo 23, 2010

[tumula] trahedya

susunod ako
lalamanin din ako ng balita

nakita sa ilang
tangan ay baril at duguan

pero hindi pa kamatayan
ang sa hapis ko'y mauuwi

kundi sa pagkandili ng marami pang bituin
at pagtahak sa malubak
matatarik na dahilig
at malalamok na gabi

ang tunay na trahedya
ay ang pagtakas,
hindi pagkibo,
at kawalang pakikilahok
sa paglaban ng sambayanan



Image by FlamingText.com

Walang komento: