Lunes, Setyembre 3, 2012

[severino hermoso] paalam



bago ako tuluyang magpaalam
sa kagandahang ipinamamalas
nitong kabilugan ng buwan
hinipan ko mula sa aking palad
ang kahilingang ibig makamtan
iyon ang:



makasama kang muli
at kahit saglit
maikulong akong mahigpit
sa mainit
at mapag-ingat na yakap

sana
malapit na
ang iyong pagbalik

Image by FlamingText.com

*isinulat noong ika-31 ng Agosto 2012.
+ang larawan ay mula rito

Walang komento: