Miyerkules, Agosto 21, 2013

[piping walang kamay] agua bendita

nagsanib muli ang bagyo at habagat
upang sa mukha natin sumambulat
ang malaking problemang buhat buhat
nitong bansa dahil sa mga pabigat
na naroon sa gobyerno ng mga korap

sinisingil na tayo ng tubig
galing doon sa langit
dahil di man lang nagngingitngit
ang ating mga konsensya sa galit
na itong kalakhan ng nasa gobyerno
itong mga nasa senado, kongreso
at maging ang batugang pangulo
sa pam-po-pork-barrel* abuso

tandaan, tandaan ninyo
galing itong pork sa iyo
galing sa pawis, luha at dugo
ng mamamayang Pilipino
kaya nating itong pagpapahirap mahinto!



Pam-po-pork-barrel* ang isa sa katiwaliang palasak noon pa man kung kaya laganap ang kahirapan sa bansa. Galing ang pork barrel o PDAF sa pagod ng mamamayan at dapat lamang na gugulin ito sa serbisyong panlipunan at hindi upang pagpestahan ng mga gahaman sa senado, kongreso at malakanyang. Kaya ang mapanghamong panawagan kina PNoy, Binay, sa mga senador at kongresista:#ABOLISHthePORKBARREL! Dapat direktang gugulin ang pork barrel sa serbisyong panlipunan.

Image by FlamingText.com

Walang komento: