Miyerkules, Nobyembre 19, 2008

[awit] paraiso*


Paraiso - Smokey Mountain




*pagsasalin


nagbalik sa lupaing tinatawag na paraiso
lugar kung saan ang naghihingalong ilog ay may hangganan
walang mga ibong nagliliparan doon sa paraiso
walang puwang na nagpapahintulot sa kanilang magtagal

ang usok na humaharang sa hangin
ang damong wala talaga doon

at kung makakakita ako ng isang ibon, anong saya.
sinubok kong sumulat ng ilang mga salita at lumikha
ng isang payak na awit na maririnig
ng lahat sa buong daigdig

nakatira ako sa lupaing tinatawag na paraiso
sa bahay na gawa sa kartong sahig at dingding
natutunan kong maging malaya sa paraiso
malayang angkinin lahat ng aking nakikita
magkaternong basahan bilang damit
mga plastic bag para sa lamig

at kung walang lamang lata ang tanging mayroon ako, anong saya
hindi ako nakikipag away upang kunin sa iba
ang kanilang barya at mamuhay ng may takot
kagaya ng lahat ng mga kabataan

paraiso, tulungan mo akong manindigan
paraiso, hawakan mo ako sa aking kamay
paraiso, gawin mong maunawaan ng mundo
na kung makakakita ako ng isang ibon, anong saya.
itong pagal at gutom na lupa ay makakaasa
ng kaunting katotohanan at pag-asa at paggalang
mula sa lahat sa buong mundo


*isa sa paborito kong awit...
(mula sa awitin ng smokey mountain)


Image by FlamingText.com

Walang komento: