tumila na ang pag-ulan
kaya naglalayag na ang mga langay-langayan
at ang sinag ng papahimlay na araw
nanunuot sa mga ulap na namamasyal
kay sarap pagmasdan ng kalawakan
habang gumagapang ang mga segundo sa orasan
tila pinapanood mong maingat na pinipinta
ng pintor ang kanyang hangad na obra maestra
lipos ng ingat at pagnanasa
lipos ng panalangin at pag-asa
marahang hinuhubdan ng kulay
mahinhing kinakahig ng pinsel
ang isinabog na pintura
nagwawala man di'y unti-unting humahawa
doon sa itim na natapong pagluluksa
kaya ang ninanamnam na samu't-saring tingkad
ang pagkupas tila pagong na umuusad
naglalaro sa pagitan ng lumbay at saya
ang labi na dati'y kakulay pa ng dugo
ngunit ngayo'y tinakasan na ng maalab na pula
at nagbabanta nang matuyo ang pagsinta

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento