Biyernes, Nobyembre 21, 2008

ilang tagpo sa piketlayn

may pagkakataong masalimuot ang nagdaang gabi
may dalas na ngiti sa labi ng bawat isa ang namumutawi
may pagbating humahaplos sa pagod na damdamin
nagbibigay ginhawa ang bawat pag-aalala:

"magkape ka muna"
o dili kaya,
"kain tayo kasama"

magkasamang humuhigop ng inumin,
kumakaen, at naghihilik
sama-samang namamaluktot
sumisiksik sa tulugang semento
na sapin ay karton o kahit manipis na pambanig

nagkakasya sa awitang itinotono ng gitara
napapawi ang lungkot at pagod
sa kwentuhan at tawa
magkatuwang sa pagguhit ng mga panawagan
sa likod ng mga tarpaulin
animo mga mag-aaral na nagsusulat
at nagdodrowing
sa sulatang sako at resiklong mga papel
gamit ay tintang kulay dugo at kahel
minsan ay asul at itim
tintang nag-aalimpuyo sa panawagan:

Boykot!

Ibigay ang karapatang dapat ay sa amin!

Katarungan sa 73 manggagawang tinanggal sa trabaho!


Image by FlamingText.com

Walang komento: