Martes, Nobyembre 25, 2008

"kowloon-gan"

huwag mo na munang tangkilikin
yaong kainang kowloon house kung tawagin
suportahan natin ang pitumpu't tatlong manggagawa
na inalis sa trabaho na ang
kasalanan lamang nila diumano
pakikibaka para sa mga karapatang omento

masarap nga ang mga tindang pagkain walang duda
subalit anong silbi nito kung mismong manggagawa
ngayo'y walang trabaho't
gutom ang nagpala sa pamilya
matapat na naglingkod ng maraming taon
karamihan higit pa sa sampung taon ang inukol
subalit ang may-ari sadyang ganid sa pagkamal ng tubo

simpleng pagmamalasakit at tulong lamang
sa dinamidaming maaaring kainan
hindi kalabisan
hindi mahirap
kung magsasakripisyo ka
na iwasan munang tangkilikin
ang kapitalistang mapagsamantala
ikaw ang inaasahan
sapagkat sa pamahalaan
walang pagkilos na gainampanan.
kay tagal ng nilalangaw
usapin ng mga manggagawa
hanggang sa kasalukuyan
wala pang hustisyang nakakapa

ang mga manggagawa
pati na ang pamilya
kumakalam ang sikmura
at pang-araw-araw na gastusin
higit pang pinuproblema
kaya ikaw
magising ka
at maki isa



Image by FlamingText.com

Walang komento: