Lunes, Setyembre 15, 2008

dalampasigan

at rumagasa ang mga himig doon sa mga lawa
umalingawngaw ang musikang nagmula
sa pagngawa ng sanggol sa kuna
naglakbay sa mga lagaslas ng tubig
ang tinig na kay lamyos sa pandinig

kay lamig sa balabal na papag
ang pagniniig ng habagat at amihan
iniluluwal ng marahan
ang mahinhing liwanag sa karimlan
maingat mong inaninag sa nakapikit na mata
ang larawan ng kagandahang
inanak ng lumisang umaga

-dalampasigan, severino hermoso

Image by FlamingText.com

Walang komento: