Martes, Setyembre 16, 2008

emosyon

hayaan mong lumipad
itong aking nararamdaman
doon sa dagat ng pighati't kalungkutan
sisirin ang ulap ng lumbay at luha
at kung kaya mong hulihin
ang masasalubong mong iilang tuwa
ihuli mo ako kahit ilang piraso
para mo nang awa?

sapagkat desperado na marahil itong isip
na labis nag-aalala sa pusong
paghinga'y naninikip
hindi ibig ng panandaliang lunas
at lalong hindi panakip butas


Image by FlamingText.com

Walang komento: