Sabado, Setyembre 6, 2008

nawawala

"baket nawawala sa bakanteng himpapawid?

maaaring piliin mong sa lupa tumindig?
at tipunin ang gunam gunam mong nagkawala wala
upang makahakbang ka sa batis ng paglaban
huwag ka lamang mag-atubili
na makita ang masakit
at makakasakit sa iyong paningin
bathin mo pa din
at sikapin mong sa dagli
maglalaho ang gawagawang lubid
na itinali mo sa leeg
at isinabit sa kawalan
upang maisakatuparan ang pagbibigti
ng wala sa panahong sandali..."

-pinilas na bahagi mula sa "nawawala" ni Image by FlamingText.com

Walang komento: