Linggo, Marso 16, 2008

para sa iyo din...kasama

mahiwaga kang tunay
nababalot ng talinghaga
hindi sapat ang isang kataga
upang iguhit kung sino kang talaga
bilang isang kaibigan,kapatid,anak at kasama.
kulang ang mga titik na pinagkumbina
upang ilarawan kung paano nakakadama.
nalulungkot.sumasaya.
nagagalit.naiirita.
ngumingiti.sumisimangot.
nagugulat.nangangamba.
nagtitiis.natatakot.
kung paanong ang isang iikaw ay nasasaktan
nahuhulog
at nagkakagusto


kasama
sana alam ko
pero ako lang ito
isang kung sino
madalas sa kanto noong araw
laman ng lansangan na madalas bagtasin
kasama ng mga manggagawa
kasama ng mga magsasaka
kasama ng mga tagalungsod na maralita
kasama ng mga guro at propesyunal na iba pa
sa kainitan ng araw
amoy pawis
humihiyaw
tumutugon
sa panawagan
na pakikibaka
para sa pagkamit ng tunay na karapatan at paglaya
ng malawak na bilang ng mamamayang biktima
...tayong mga biktima
mga inamis at binusabos nitong mapagsamantalang sistema
ng mga ganid na panginoon at pasista...

ako lang ito
isang kung sino
ginagawa ang batay sa
aking pang-unawa ay nararapat kong
papel
sa pagbabago
sa kasaysayan

ako lang ito
isang kung sino
lumalaban para sa mga kapatid,kaibigan, anak, at kasama
at maging para na din
sa aking PAG-IBIG
hindi lang para sa pinaglilingkuran nating masa
hindi lang para sa pinaglilingkuran nating rebolusyon
kung hindi
para sa iyo din... kasama

3 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

naks naman.para sa akin din?hehe.nde,alam ko para sa kaniya nga din.alam din niya siguro yun noh?na para sa kaniya rin ang mga bagay na ginagawa mo.at sinabi mo na rin naman ito sa kaniya.ang mga aktibista makukulit yan,magpupumilit.pero higit pa riyan marunong silang magsuri.alam kung kailan at bakit kailangang palayain ang sarili.:)

saka natuwa ako doon sa pagkukubli ng luha sa ulan kasi may sinulat din akong mala-ganoon:

matalas
ang latay
ng shower
sa mukha.

malamig
ang dumadaloy
na tubig.

pero,
unti-unting umiinit
ang mga patak
na gumuguhit
sa pisngi.

wala ka ng kasama
wala nang nakakakita
pero maging sa sarili'y
ikinukubli pa
ang
pagluha.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

aruy. galing.

napabisita lang sa page mo at nabasa yung mga akda. and natuwa ako dun sa last stanza...

lalo na dun sa "para sa iyo din.. kasama"

awts. yun lang. tsalamats. haypayb.

maria baleriz liwanag ayon kay ...

oy sa anonymous, anong ngalan mo? wah... sana po magpakilala ka...
salamat pa din ganoon man...