marahil
muntik akong maluha
habang nakikinig ako
sa istorya ng bata
kung paanong sa edad
na walo
nangagnanib ng kumitid
ang kanyang oras ng paglalaro
pero pinigilan ko
na mabasag at maging bubog
ang mga bumabalong
luha sa mga mata
isinalaysay niya kung paano
sa murang edad niya'y
agad na natuto
marurusing na kamisetang suot
siya na ang naglalaba't
nagkukusot
+ilang pinilas na mga linya sa "yuli" na bahagi ng mga akdang koleksyon na "mga palaboy".
Miyerkules, Hunyo 25, 2008
nagtatanong ang mga titik sa tula
nagtagisan ang mga akda
sino nga bang tunay na may sala?
siya bang hinugot mula sa basurahan
ng mga dukha
na ang hangad lamang ay katiwasayan
at paglaya
oo iyong sumibol mula sa palasyo
ng mga pinagpala
na nagwawasiwas ng pulbura't digmang
dulot ay sakit, hinagpis,
at pagkaamis sa madla
-maria baleriz
**mga pinilas na bahagi mula sa nagtatanong ang mga titik sa tula

takipsilim sa sunken garden
gusto kong subukan iyong sandali ng karimlan
madaming bituin sa kalawakan
ganoon masarap magsulat
habang nakahiga sa damuhan
mainam palanguyin ang mga titik ng panulaan
na nagtatampisaw sa batis
ng talinghagang naka-kwartel sa isipan
ganito...
ganito...
ganito ko ibig makasama ka't hagkan
sa oras ng nagdidigmaang katahimikan
kaulayaw natin ang mga alitaptap
sa hardin ng mga bulaklak at halaman
-severino hermoso
*mga pinilas na bahagi mula sa "takipsilim sa sunken garden"

kay pait mo alaala
tunay na mapait ang nananahan
sa gunamgunam
ang pusikit na karimlan
ngayon ang kumakalinga
anong higpit ng kanyang pagpapala
at pinadala'y kalatas ng paghapis
tila punyal na itinarak
sa pusong sa sandaling
ito'y tumatangis
sa gunamgunam
ang pusikit na karimlan
ngayon ang kumakalinga
anong higpit ng kanyang pagpapala
at pinadala'y kalatas ng paghapis
tila punyal na itinarak
sa pusong sa sandaling
ito'y tumatangis
Martes, Hunyo 24, 2008
sukob sa ulan
umuwi akong sumugod sa ulan
at tila paslit na kanina lang nakaramdam
ng pagluha ng kalangitan
anong saya ang hatid
dito sa pusong pagod ma'y
patuloy na umiibig
nagmamahal
-hunyo 16 08
at tila paslit na kanina lang nakaramdam
ng pagluha ng kalangitan
anong saya ang hatid
dito sa pusong pagod ma'y
patuloy na umiibig
nagmamahal
-hunyo 16 08
palit anyo
natanaw lang kita
ilang panahon pabalik mula ngayon
isang dalagang larawan
ng lahat ng halos ginhawa
at kalakaran ng lipunang ito
na magsasalamin ng pagsasamantala
pero kapag babalikan ko ang sandaling yaon
maniwala ka bang animo namamalik-mata ako?
sapagkat ang ikaw na ngayon
ay malayo sa ikaw
ilang panahon pabalik mula ngayon...
unti-unti ka nang nahuhulma sa masa
at kawangis ka na nilang
minamahal nga natin ng sobra
patuloy kang mamukadkad
at higitan ang ganda ng mga orkid
unti-unti ay ariin mo
ang kumoplahe ng sambayanang iniibig
-orly oboza

Lunes, Hunyo 23, 2008
Pagdurusa
samahan mo ako...
doon sa panaginip
ng mga sawi at sugatan
damayan mo ako...
doon sa talinghaga
ng mga basag na pangarap
sabayan mo ako...
doon sa saliw
ng mga inutil na awitin
ng mga pagdurusa
samahan mo ako...
doon sa hardin
ng mga lumipas na tag-ulan
damayan mo ako...
doon sa paghapis
ng mga bubog sa bahaghari ng kawalan
sabayan mo ako...
doon sa parang
ng mga nilukot na tagumpay
lumakad tayo sa luha
ng mga amatista at korales
-severino hermoso
doon sa panaginip
ng mga sawi at sugatan
damayan mo ako...
doon sa talinghaga
ng mga basag na pangarap
sabayan mo ako...
doon sa saliw
ng mga inutil na awitin
ng mga pagdurusa
samahan mo ako...
doon sa hardin
ng mga lumipas na tag-ulan
damayan mo ako...
doon sa paghapis
ng mga bubog sa bahaghari ng kawalan
sabayan mo ako...
doon sa parang
ng mga nilukot na tagumpay
lumakad tayo sa luha
ng mga amatista at korales
-severino hermoso
nakagawian
umuwing pagal ang diwa
at katawa'y lumuluha
sa maghapon na paggawa
sa bukid ng 'sang timawa
walang kapantay na ganid
at wala na ngang lulupit
pagtrato'y sadyang kay higpit
magsasaka'y iniipit
-severino hermoso
Inuman
Sa simula ay naroroon
ang pag-asang katumbas ng bawat sandali
ay paglimot at pagtatakwil
sa mga kabalintunaang dagok sa dibdib.
Inaasam natin ang nakaambang paglipad ng diwa
sa gitna ng kalawakan
kung saan ang lahat ay wagas at walang kapara;
at ang kasawia'y dahuyang kalaban
ng mga pusong pangahas sa digmaan.
Magpakalunod tayo sa kaligayahang
hatid ng katotohanan, bago ang lahat
sa wakas ay di natin mapigilang
bumulusok pabalik sa lupa.
Muling magkukubli
ang pag-asang dalisay
sa likod ng naninibughong lihim.
At isusuka na lamang
ang mga mala-punyal na salitang
nagpapaluha sa atin.
Kay Viki, maraming salamat.

pag-usig sa mga may sala
naramdaman mo na ba?
iyog pagkakataong ibig mong lumuha
subalit wala ni saing patak
mula sa mata'y rumaragasa?
naramdaman mo na bang masaktan
ng sobra-sobra?
kasabay ng walang-luhang pagtangis:
humihiyaw!
pumapalahaw ang dibdib!
sa pighati't dalamhati
nagngangalit man din sa sinapit
mula sa mga bayarang
berdugong pulis at militar
ng gobyernong ito na sagadsagarin
sa pagkaganid at sa pang-aalipin
sa naghihikahos niyang mamamayan
-severino hermoso
iyog pagkakataong ibig mong lumuha
subalit wala ni saing patak
mula sa mata'y rumaragasa?
naramdaman mo na bang masaktan
ng sobra-sobra?
kasabay ng walang-luhang pagtangis:
humihiyaw!
pumapalahaw ang dibdib!
sa pighati't dalamhati
nagngangalit man din sa sinapit
mula sa mga bayarang
berdugong pulis at militar
ng gobyernong ito na sagadsagarin
sa pagkaganid at sa pang-aalipin
sa naghihikahos niyang mamamayan
-severino hermoso
bighani
nakakabighani ang buwan
hinding-hindi pagsasawaang pagmasdan
naiinggit ako sa mga estrelya
na sa kanya'y nakaligid
ang karimlan ay sadyang kay rikit
hinding-hindi pagsasawaang pagmasdan
naiinggit ako sa mga estrelya
na sa kanya'y nakaligid
ang karimlan ay sadyang kay rikit
byahe
ganito ang init:
kahit punasan mo ng labakara ag pawis
mamaya-maya ay tatagaktak din ang mga katas
at makikita mo nagpapaypay ale ng buong gilas
sa iyo'y dumadagdag pa ang init ng makina
ang singaw ng lupa
ang init ng katabi mong maganda
sa loob ng siksikang dyip
na naipit sa trapik
hanggang matutok ang atensyon mo
sa kanya sa mata
sa kariktang siya ang may kaya
at sa paglarga pa ng makina ng sasakyan
kasabay na uusad ang pagod ng gulong
at ikaw at siya
at iba pang pasahero
ay kasama
magkikita kayo sa isa't-isa
habang ang hangin bumibilis sa pagsaklot
sa inyong presensya at pasensya
at kasabay ng hagibis
papawiin ang init
ang pawis
habang di mo namamalayan
kay lapit mo na sa bababaan
kailangan mo nang pumara at lisan
ang pampasaherong dyip kung saan
mo natitigan
ang isang marilag
na pagsintang nabuo lang sa isip
sa kainitan ng araw

"bata"
sa murang gulang nila ngayon
nakasanayan na nilang matulog ng gutom
sa murang gulang nila ngayon
maaga silang namulat sa marahas
na demolisyon
naransang matulog sa gilid ng kalsada
kung saan niyayakap sila ng lamig
at pagdurusa
nasaksihan ang eksenang animo'y bugbugan sa pelikula
narinig ang mga talumpating napakayaman sa pagmumura
napakabata pa nila
pero sa bawat bitaw ng mga kataga
tila kausap ko'y
puno ng karanasang nakasalamuha
napakatatag kung mangusap
at sa tinig niya mismo mahihinuha
kahit animo'y ibig umiyak
katatagan pa din ang ipinapakita
turuan mo ako
kung paano ba ang maging matatag
turuan mo ako
kung paano pigilan ang mga luha na wag pumatak
turan mo akong ngumiti
sa kabila ng paghihirap
turuan mo akong humarap
sa sakripisyo't pighati
turuan mo akong 'wag magsawa
at lalo't higit
turuan mo akong bumalik
sa pagkabata
sa panahong tila ang mabigat lang
ay kung paano ang galos at sugat
maghihilom agad
kaysa sa pilat ng ngayon
kay lalim ng ukang nilikha
ng pambubusabos ng mga dayo sa atin:
sa sariling lupa ay mga alipin.

Miyerkules, Hunyo 18, 2008
Agap
Pira-pirasong alaala ng palalong pag-ibig
ang tanging maiiwan mo sa akin. Kasabay ng paghahabol ng usok ng sigarilyo sa papalayo mong anino, kumakaripas sa utak ang mga katagang di ko na nasabi sa iyo, sa kawalan ng panahon (lakas ng loob!) at pagkakataon.
Di pantay ang antas ng pag-unlad, bagama't tayong lahat ay supling ng panahong di napapagod sa pagtakbo. Hintay sandali, wag kang umalis, hindi mo pa nalalaman na...
Isingit natin dito ang walang-kasinghabang patlang.
At ito ang pagwawakas ng di man lang nasimulang narratibo. Tinatawanan lang ng mga kuliglig ang tahimik na hiyaw nitong palalo ngang pag-ibig
na umusbong sa panahon ng ligalig.

hindi ako
hindi ako kundi ikaw
hindi ako kundi sila
hindi ako kundi ang sambayanan
hindi ako kundi sila:
ang sambayanang alipin
ng mapagsamantalang sistema
sila ang dahilan ko
kung bakit ako ngayo'y
nakatindig
at muling titindig
para patuloy na makibaka
sila ang dahilan ko
kung bakit ako, sugatan man
patuloy na nagmamahal
at magmamahal
at ito ay masarap maramdaman
kahit pa nga nasasaktan
sapagkat ang sambayanan
at lalo't ikaw ang siyang dahilan
hindi ako kundi sila
hindi ako kundi ang sambayanan
hindi ako kundi sila:
ang sambayanang alipin
ng mapagsamantalang sistema
sila ang dahilan ko
kung bakit ako ngayo'y
nakatindig
at muling titindig
para patuloy na makibaka
sila ang dahilan ko
kung bakit ako, sugatan man
patuloy na nagmamahal
at magmamahal
at ito ay masarap maramdaman
kahit pa nga nasasaktan
sapagkat ang sambayanan
at lalo't ikaw ang siyang dahilan
Lunes, Hunyo 16, 2008
Poems of Constancy and Such
I.
He makes his rounds
among his clientèle,
hawking his ten-peso ponytails while
his brother's looks and
pleas for a few coins
draws blank stares and averted eyes
from strangers humming to their I Pods.
"The youth is the fair hope of the Motherland,"
Rizal says.
But what hope could they cling to
in scrounging for empty bottles and spare change
like flies feasting upon another's remains?
O, to be young and desperate
while corrupt liars strut in million dollar suits
is the greatest tragedy of all.
II.
She was always there
an outstretched hand
asking for dimes
or warmth on a rainy day.
Her gaunt face spoke
of an everyday desperation
fueled by an empty belly
and her children's cries at night.
Still, the city passes her by
without mind, focused on
winning the rat race leading
to God knows where.
The tales we tell
of a world of monstrous hunger
and insatiable greed.
The narratives are the same
like seasons that unfold
without fail.
(An intervention, perhaps
if instead of an open palm,
She had a gun.)
III.
Yes
Auden was right
on "how everything turns
away quite leisurely from the disaster."
O, will it take a war
to make them see
the Real of the Illusion?
*with lines quoted from W.H. Auden's poem Musee des Beaux Arts
http://www.ling.upenn.edu/~creswell/auden.html
Martes, Hunyo 10, 2008
misteryo
"teka sino ka nga bang talaga?", iyong naitanong.
ang sagot ko na estranghero'y di ko din nga alam.
naglalakbay lang ako dito sa masalimuot na daan.
kung saan ang bitbit ko'y paglaban at paglaban.
kasabay sa krus na daan ang iba pang pinagsasamantalahan.
batid kong kasama ka din naman.
kaya tanong ko ding naglalaro sa isipan.
ang ako ay sino talaga bang kailangan?
gayong ako mismong pinatutungkulan
ng tanong na simple man na madinggan
tila sa yugtong ito'y kay hirap sumagot
sa katotohanang 'di ko tiyak na iyong maabot
pero hayaan mong sa paglalakbay natin
malaman mo ang sagot na hihintayin
hinahabi ko pa sa hangin
at ipinipinta ko pa sa bangin
marahil sa kamatayan ng mga titik
matatagpuan mo din ang hibik
at ang kung sino ako sa iyong isip
magkakahubog at magkakatinig

di ako marunong bumasa
paano ba susundan ng mga titik
ang bawat tuldok o kuwit?
ibig ko lang ipahatid ang ibig
nais ko lang sabihin ang nais
subalit tila mahirap isatinig
sa mga linya't taludtod
sapagkat batid ko na kahit
ang mga ponema at pantig
maaaring magkaiba ang hatid
sa kabila ng katotohanang
isa lang ang nais bigkasin
nitong tinig kong garalgal
ma'y may matuwid na tinuturan
kay ganda ng mga tono ng bawat
mong pagtipa sa kwerdas ng gitara
mainam pa nga siya madalas mong
yakap at hawak hawak...
sa mga awit bang nalilikha mo'y
humihiyaw ba ang paglaban ng
mga tulad naming binubusabos?
at sa bawat hagod mo'y may
pakikibaka bang tinatalos?
buti pa ang agos ng mga kanta
kabisado mo ang letra...
pero ako bang naghihikahos
sumagi man lang ba sa isip?
sa bawat mumong natitira
sa pinggan mo'y naisip mo bang
kay raming manggagawang bukid
ang nabilad sa init
inagawan ng lupa
at kay raming dugo ang
dumilig sa lupa
upang mayroon kang kanin
sa hapag ng inyong tahanang
mutya...
iyo bang naisip na
sa bawat butil na nasasayang
ilang magsasaka ang humandusay sa lupa
at ang buhay ay nawala..?
sa bawat pagkaing natitira? naisip mo
ba kaming walang makain sa umaga
sa tanghalian at sa gabing
yayakapin na kami ng lamig sa katawang
pinagpala ng alikabok at libag?
pag-isipan mo.
pero para sa sandaling ito.
salamat.
sa pagdinig mo.
sa pagtanggap.
salamat.
ang bawat tuldok o kuwit?
ibig ko lang ipahatid ang ibig
nais ko lang sabihin ang nais
subalit tila mahirap isatinig
sa mga linya't taludtod
sapagkat batid ko na kahit
ang mga ponema at pantig
maaaring magkaiba ang hatid
sa kabila ng katotohanang
isa lang ang nais bigkasin
nitong tinig kong garalgal
ma'y may matuwid na tinuturan
kay ganda ng mga tono ng bawat
mong pagtipa sa kwerdas ng gitara
mainam pa nga siya madalas mong
yakap at hawak hawak...
sa mga awit bang nalilikha mo'y
humihiyaw ba ang paglaban ng
mga tulad naming binubusabos?
at sa bawat hagod mo'y may
pakikibaka bang tinatalos?
buti pa ang agos ng mga kanta
kabisado mo ang letra...
pero ako bang naghihikahos
sumagi man lang ba sa isip?
sa bawat mumong natitira
sa pinggan mo'y naisip mo bang
kay raming manggagawang bukid
ang nabilad sa init
inagawan ng lupa
at kay raming dugo ang
dumilig sa lupa
upang mayroon kang kanin
sa hapag ng inyong tahanang
mutya...
iyo bang naisip na
sa bawat butil na nasasayang
ilang magsasaka ang humandusay sa lupa
at ang buhay ay nawala..?
sa bawat pagkaing natitira? naisip mo
ba kaming walang makain sa umaga
sa tanghalian at sa gabing
yayakapin na kami ng lamig sa katawang
pinagpala ng alikabok at libag?
pag-isipan mo.
pero para sa sandaling ito.
salamat.
sa pagdinig mo.
sa pagtanggap.
salamat.
pagsasamantala
umuwing pagal ang diwa
at katawa'y lumuluhasa maghapon na paggawa
sa bukid ng 'sang timawawalang kapantay na ganid
at wala na ngang lulupitpagtrato'y sadyang kay higpit
magsasaka'y iniipit-severino hermoso
Lunes, Hunyo 9, 2008
kay ganda mo umaga
kay gaan sa pakiramdam ng hanging yumayakap sa akin
habang ang mga ibong maya humuhuni ng awitin
kay sarap magbangon at harapin ang walang 'sing gandang umaga
lalo't nandiyan ka at ang sambayanang nakikibaka!
habang ang mga ibong maya humuhuni ng awitin
kay sarap magbangon at harapin ang walang 'sing gandang umaga
lalo't nandiyan ka at ang sambayanang nakikibaka!
apoy
huwag mong ipagkait ang tangan mong ilaw
kay daming umaasa sa hatid mong tanglaw
upang ang madilim na daang kanilang tinatahak
kahit papaano'y maaninag at makaiwas
sa nagbabantang lubak at pagkapahamak
pahiram ng iyong ningas kaibigan, kasama
at tulutan ng alab ang nahihimbing kong pandama
hayaan mong sa pinagsama-samang apoy
na sa atin di malaong magliliyab
magbabaga ang pakikibaka ng libong taong paghihirap

Linggo, Hunyo 8, 2008
gabi
ibig kong maging alitaptap sa gabi
lalo sa mga sandaling walang buwan at mga bituin
nais ko'y handugan ka ng tanglaw kong ilaw
kahit pa nga ito'y kukurap-kurap
ibig kong kamustahin ka sa iyong pagharap
sa bintana habang tila may hinahanap
batid kong iyong hinahabi ang pangarap
para sa sambayang inagawan ng ginhawang dapat malasap

[severino hermoso] kung ako'y iyong hinahanap
"nasaan ka?", tanong mo.
"nasa paligid...", tinuran ko.
"nasa paligid kinakatha ang mga titik
nitong nagliliyab na tanghali
tinitipon hinahanay ang mga
ponema ng mga salita
upang kung iyong mabasa
sa mga dahon nang nalimbag na istorya
may pangarap itong makasama
ka sa laban nang binubusabos na masa
ako'y nasa paligid lamang
kung ako'y iyong hinahanap
huwag mainip 'pagkat ako'y babalik
kailangan lang na kahit saglit
tayo'y magkawalay upang ihatid
sa katuparan ang ating mga tungkulin
mga gawaing dapat isakatuparan
para sa paglilingkod sa rebolusyon
at sa pagpapalaya sa sambayanan
-severino hermoso
"nasa paligid...", tinuran ko.
"nasa paligid kinakatha ang mga titik
nitong nagliliyab na tanghali
tinitipon hinahanay ang mga
ponema ng mga salita
upang kung iyong mabasa
sa mga dahon nang nalimbag na istorya
may pangarap itong makasama
ka sa laban nang binubusabos na masa
ako'y nasa paligid lamang
kung ako'y iyong hinahanap
huwag mainip 'pagkat ako'y babalik
kailangan lang na kahit saglit
tayo'y magkawalay upang ihatid
sa katuparan ang ating mga tungkulin
mga gawaing dapat isakatuparan
para sa paglilingkod sa rebolusyon
at sa pagpapalaya sa sambayanan
-severino hermoso
Sabado, Hunyo 7, 2008
ka bel
maaari pa ba akong pumikit?
upang nanamin ang tinig mong
kay lamyos sa pandinig
maaari pa ba akong pumikit?
upang pagmasdan ng mainam
ang mukha mong tiyak kong
matagal ko nang 'di masisilay ng personal
mukha mong sa larawan ko
na lang makikita't mapagmamasdan...
maaari pa ba akong pumikit?
at hayaang basagin ng mga talukap
ng aking mga mata ang
bumabalong luha
at ng sa gayon dahan-dahan
itong rumagasa sa aking mukha
kasabay na anudin ang sakit
na iyong pagkawala...
sa huling sandali
maaari pa ba akong pumikit?
upang sa ganoon pagkakataon
hugutin ko ang tapang na
aking maaapuhap sa dilim ng sandali
kung saan ika'y mas malinaw kong
makikita at inspirasyon bibitbitin
sa aking muling pagmulat sa lipunang
itong binatbat ng pasakit at paghihirap
ng pambubusabos ng mga dayuhan
at mga ganid na panginoon
at sa marahan kong pagdilat
upang silipin ng magmuli ang liwanag
na ikaw ang isa sa nagbigay
ng kulay at hubog
taas kamao kong ihahatid ka
kasama ng sambayanan
doon sa lugar ng iyong hantungan
kung saan lumuluha man ang aming mga puso
patuloy pa ding maninindigan
at makikibaka
upang ipagpatuloy ang labang iyong
nasimulan para sa sambayan
-maria baleriz liwanag
+tulang kinatha noong ika-3 araw mula ng pumanaw si Ka Bel.
Congressman Crispin Beltran, tuloy ang laban!

Huwebes, Hunyo 5, 2008
ganito ko iuukit ang pag-ibig
paano ko nga ba dapat iukit ang itsura ng pag-ibig
korteng puso nga ba itong pinatingkad na pula?
o magustuhan mo ba ang pagsasalarawan ko
sa isang awit na walang tonong sinisinta?
papaano nga ba?
maaari bang sabihin mong maagap
bago magpatiwakal itong isip
sa tulirong dulot ng basag na pangarap
na walang ibang nilayon 'tong damdaming naghihirap
malinaw kong maililok ang pagmamahal sa iyong paglingap
mga kataga...
"...kung ang tangan mong ilaw sa iyong paningin tila
pumapanglaw,lingunin mo silang walang makainkundi yaong mga nilimos na tira sa
basurahan.sulyapin mo silang walang tahanankundi yaong palasyo nilang kariton
at malawak na bangketa.pagdamutan mong pagmasdansilang nanlilimahid sa
karukhaansaka ka matamang kumilatis sa sarili mongtulad ng marmi ay biktima
rin naman...ngayon, sabihin mo sa akin kung nagniningasng muli't lumalagablab
ang ilaw mong tangan..."
Martes, Hunyo 3, 2008
Dalawang Tanaga Para Sa Ating Panahon
Anak, ako'y may babala:
Ay, kayhirap maging mutya!
Pag pipi, ginagahasa,
Pag maingay, kinukutya.
***
Itaga mo sa bato,
Dudurugin ng maso
At karit ang estado
Na sumusupil sa 'yo.
Tanaga is a type of short Filipino poem, consisting of four lines with seven syllables each with the same rhyme at the end of each line --- that is to say a 7-7-7-7 syllabic verse, with an AAAA rhyme scheme

tabularasa
kay tingkad ng araw na ngayon ay hinuhubog
ng kolektibong paglahok ng mamamayang sinusubok
sa pambubusabos ibayo pang binubusog
ang awit ng magiting lalong tumatampok
pinapanday ang bisig nang mapagpalayang kamay
kahit humihinga'y mistulang naglalakad na bangkay
nasaan ka nga ba sa pahina nang may saysay?
kasama ka ba sa mga titik na naisulat at naikampay?
ang nota ba'y sumasapat sa naabot ng tinig
o dahil sa pagpupumilit di na naabot ang hilig
kaya ang naririnig ay pagpiyok mula sa kordon
na bimitaw sa sobrang pagpupumilit na makaahon
ngayon sa hamon ay tila bangag ang diwa
di ko maunawaan paanong nakakalikha
ng isang obrang nagluluwal ng paghanga
kahit pa nga payak ang kulay na itinaya
*

nakita mo ba sila?
nakakatulog nga kaya silang nandoon sa palasyo?
at masaya kayang nagbabangon sa madaling araw
ang mga berdugong militar na tumangay sa iyo?
ganoon din kaya ang mga punyetang dumukot
sa dalawang kabataan-estudyanteng sina karen at sherlyn?
na magpahanggang ngayon kinalalagya'y 'di batid

si jonas ba'y may nakapagsabi na kung nasaan?
katulad din siya na hinahanap ng mga nagmamahal...
pero sila'y nananatiling mukhang patlang
at ang mga salarin malaya't nagdiriwang
paano bang salubungin ng ngiti ang pagpasok ng umaga?
gayong hanggang sa kasalukyan wala pa ang iyong sinisinta:
apo, anak, kapatid
pinsan, pamangkin
ama, ina
tiyo, tiya
lolo, lola
kasintahan
kaibigan
kakilalala
hindi lang kahapon o noong makalawa
di lang isang linggo o isang buwan na
ang bawat araw patuloy na tumataghoy sa pagbilang
ang bawat oras ay tila dekadang kawalan
at bawat minuto'y lumuluha kang lilisan
habang ang bawat segundo tila punyal
na sa puso mo'y itinatarak ng kalaban
habang buhay na yata ang pag-aalala
para sa minamahal na 'di mo malaman kung na saan na
paano ba ako sasabay ng maligaya ang
bawat mapupunit na ngiti dito sa labi
gayong kahit ang pagbubukangliwayway
kapag pagmamasdan mo'y nakikidalamahati
kasabay ng mga pipit sa himpapawid
ng mga kalapati at mayang lumilipad ng masugid
kasama ng sambayanan nakatunghay
at naghahanap sa iyong kinalalagyan
kung nasaan ka at iba pang dinukot
na di pa natatagpuan...

endangered species
pagod ba nila'y iyong naranasan?
at kung magsalita ka para bang nagpapasarap
lang sila doon sa lupang sakahan
lupa na sa kanila'y pilit inagaw
habang di pa nasapatan mga ganid na panginoon
pati sa ani na magsasaka ang naghirap at nagpayaman
matatanggap lang ay di pantay na hatian
ni hindi ka nga marahil nakapagpasalamat man lang
para sa mga kaning pinagsasaluhan ninyo sa hapagkainan
sukab kang matuturing sa pag-uugaling
mapanghusga't walang pakialam
sa kalagayan nila ngayong binubusabos ng iilan
kailan ka pa makikiisa sa laban
na di lang para sa kanila kundi sa iyo din naman
sana makalahok ka bago pa mawala
silang nagpapakain sa sambayanan!
-severino hermoso
*isulong at ipaglaban ang GENUINE AGRARIAN REFORM BILL(GARB)!
CARP ibasura!

[piping walang kamay] isang awit
ang gitara ay tinipa
kasabay nang pagtugtog ng harpa
at sumilay sa likod ng telon
ang mang-aawit na nagbangon
malungkot ang tinig ng siya'y pumasok
at pupungas na tila inaantok
paano nga ba makikita ang mga nota
sa bawat pagtunog ng kampana?
ang mga titik ba'y malinaw na binibigkas
ng bibig na umaawit ma'y may busal?
nasaan ang himig na likha ng piyano
sa bawat tiklado iyo bang nasisino?
sugatan ang nagtatanghal sinisikap bigyang buhay
nais niyang awitin ang binabatang kulay
ikaw man ay handang makinig sa musika
nitong mandirigmang ngayon ibig mangharana
sakit at kirot na sa kanya'y nagpala
isinasatinig ng mang-aawit ding nasa kanya
pakinggan mong mataimtim ang kanyang tinotono
pakikibakang hangad niyang ipagtagumpayan kasama mo...
-"isang awit" ni piping walang kamay

kidnap?
paano nga bang ipikit muli namumugtong mga mata?
lalo't 'di sanay na may isang nawalay sa iyong pamilya
lalo't 'di mo inaasahang maging kawawang biktima siya
nitong estadong walang 'sing duwag kung bumira
ituro mo kung paano?
na ang mga matang ito'y mahimlay sandali ng malayo sa pangamba
na ang mga matang ito'y makapaglakbay sa paraiso ng panaginip
na muling maranasan nitong mga mata kung panong mahimbing na maidlip
doon sa kanlungan ng mga pangarap na walang pagdurusa
doon sa panahong nakamit na ang hustisya
para sa kapamilya ko at ng marami pang iba
...na biktima!
masisisi mo ba kaming di makatulog sa gabi?
masisisi mo ba kaming pinuno ng pag-aalala ang isip?
kaming nalipos ng pangamba itong nagpupuyos na dibdib?
masisisi mo ba kami kung sa gobyernong ito ay masuklam at magalit!
paanong hindi?
dinaig pa ang katawang manhid na sa mga gamot at sakit?
hanggang sa mga sandaling ito walang ginawa
upang mabigyang katarungan ang maraming pagkawala
mabigyang katarungan ang maraming katawan ng lumutang
subalit hanggang ngayon nananatiling walang mukha
at wala
walang katarungan na sa kanila
at sa mga minamahal na kapamilya ay nagpala
huwag nang ipagtaka...
kung ang sambayanan ay magbangon at mag-alsa
marahil sa ganoong paraan wasto na talaga
na ang hustisyang hinahananap
matatagpuan nang ganap
pilit man humarang
mga bayarang hukbo sa aming mga harap
hindi na takot ang sa amin lalabas
kundi ang naglalagablab na pagnanais
na hustisya'y makamit
para sa mga nawalang mahal namin
at sa maraming iba pang maaaring isunod
ng gobyernong ito na siyang tunay na salarin
at siyang may motibong maghasik na ganitong lagim!

Lunes, Hunyo 2, 2008
Serenata
Tulungan mo akong lumapat sa lupa, sinta.
Sapagkat ang ating pag-ibig ay di gaya ng pelikula nila Marvin at Jolina.
Ipaalala mong huwag akong maghangad na lagi kang makasama
o umasang ang ating pagkikita'y lagi't laging magiging masaya.
Iharap mo sa akin ang reyalidad dahil di gaya nila,
walang katiyakang bukas ang naghihintay sa ating dalawa.
Tulungan mo akong mapagtanto, sinta
na isang biyaya ang bawat sandali na kapiling kita
sa pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos sa masa.
At pagdating ng panahong sa aki'y mapalayo ka,
tulungan mo akong wag lumuha at umunawa, sinta
sa paghihiwalay bilang signos ng ating larangang lumalawak pa
at ng papalapit na tagumpay nitong ating matagalang pakikibaka.
At sa ating pagtapak sa lupa saka lang mahihinuha
na sa pag-ibig nating amoy-pulbura ang harana,
hindi lang ikaw at ako ang bumubuo, sinta.
Ang sambayanan ay lagi't lagi nating kasama
Sa pagpapanday ng mga pangarap
Para sa isang silangang walang kasingpula.
*para kina alvin, ram, an, at alex

pakikiramay
kay tingkad ng mga bulaklak na tumunghay sa iyo
naghuhumiyaw ng pagpupugay at pagsaludo
rosas, katleya, daisy, jasmin, sampaguita?
anu-ano pa nga ba?
ah nalulugod kahit ang mga dahon
kahit sila nakilahok sa pagtitipon
unti-unting lumuluha't dahan-dahang nananamlay
tumatangis at pinapanawan na din ng kulay
habang ang panulaan at entablado ay nagsanib
bumuhos ng mga titik at mga himig at mga awit
ang mga gabi'y nagsilbing kanlungan ng mga pagniniig
ng mga alay na akda at himig at pagtatanghal para sa iniibig
na ngayo'y taimtim na nakaratay sa kahon ng pagdadalamhati
habang mga mensahe ng mga trapo'y nagdagsaang tila pagbati
mga kaaway mo at ng sambayanan tiyak lagpas tenga ang ngiti
hayaan mo't magbabayad din sila hanggang maisip na nilang magbigti
sapagkat sisingilin sila at uusigin ng sambayanan
na para sa iyo at sa paglaya magpapatuloy na magpunyagi
sa pakikibakang ikaw at ikaw din ang nagturo
at kasamang nagtanim ng binhi
maging ang langit man ay tumaghoy ng magbukangliwayway
nakadama din ng labis na pagkalumbay
sa araw mismong ihahatid ka na
doon sa kung saan ka huling mahihimlay
pagputok pa lang ng madaling araw
nagbagsakan na ang luha mula sa alapaap
at maging ang mga langay-langayan
matamlay man din ang pakiramdam
sinikap na maglayag sa himpapawid
upang sumabay sambayanang sayo'y maghahatid
at sa hantungan mo sumusumpa ng paglaban
na magpapatuloy ang ating digmaan
hanggang ang tagumpay ay mapasa-sambayanan!
-pipingwalang kamay

Linggo, Hunyo 1, 2008
hinagpis
pero bakit ka magpapakalunod sa kalungkutan
batid mong 'di niya nais na ika'y magkaganyan
hangad ni Ka Bel patuloy na pakikibaka
mag-organisa.
mag-organisa..
mag-organisa...
para sa tunay na paglaya
ang bumabalong luha pahirin mo na
sa hinagpis na natitigib
at ibig kumawala sa dibdib
huwag mong hayaang maipon
panahon ang binibilang para sa
pag-ahon
panahon ang binibilang para sa
paglaban
panahon ang binibilang para ang
laban ay ating pagtagumpayan
kaya hahayaan mo bang malugmok
ka na lamang
sa burak ng pagtangis at walang
katapusan mong pagluluksa
pagkilos ang sagot
at ito ang nais niya
ang masa ay higit pang umaasa
at kailangan ka niya
kapara ng ang isang ka bel
hanggang sa mga huling sandali
at paghinga
masa at masa ang inuna.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)