Miyerkules, Hunyo 18, 2008

Agap

Pira-pirasong alaala ng palalong pag-ibig

ang tanging maiiwan mo sa akin. Kasabay ng paghahabol ng usok ng sigarilyo sa papalayo mong anino, kumakaripas sa utak ang mga katagang di ko na nasabi sa iyo, sa kawalan ng panahon (lakas ng loob!) at pagkakataon.


Di pantay ang antas ng pag-unlad, bagama't tayong lahat ay supling ng panahong di napapagod sa pagtakbo. Hintay sandali, wag kang umalis, hindi mo pa nalalaman na...

Isingit natin dito ang walang-kasinghabang patlang.

At ito ang pagwawakas ng di man lang nasimulang narratibo. Tinatawanan lang ng mga kuliglig ang tahimik na hiyaw nitong palalo ngang pag-ibig

na umusbong
sa panahon ng ligalig.

Walang komento: