Lunes, Hunyo 23, 2008

byahe

ganito ang init:
kahit punasan mo ng labakara ag pawis
mamaya-maya ay tatagaktak din ang mga katas
at makikita mo nagpapaypay ale ng buong gilas
sa iyo'y dumadagdag pa ang init ng makina
ang singaw ng lupa
ang init ng katabi mong maganda
sa loob ng siksikang dyip
na naipit sa trapik

hanggang matutok ang atensyon mo
sa kanya sa mata
sa kariktang siya ang may kaya
at sa paglarga pa ng makina ng sasakyan
kasabay na uusad ang pagod ng gulong
at ikaw at siya
at iba pang pasahero
ay kasama

magkikita kayo sa isa't-isa
habang ang hangin bumibilis sa pagsaklot
sa inyong presensya at pasensya
at kasabay ng hagibis
papawiin ang init
ang pawis
habang di mo namamalayan
kay lapit mo na sa bababaan
kailangan mo nang pumara at lisan
ang pampasaherong dyip kung saan
mo natitigan
ang isang marilag
na pagsintang nabuo lang sa isip
sa kainitan ng araw


-severino hermoso

Walang komento: