nakakatulog nga kaya silang nandoon sa palasyo?
at masaya kayang nagbabangon sa madaling araw
ang mga berdugong militar na tumangay sa iyo?
ganoon din kaya ang mga punyetang dumukot
sa dalawang kabataan-estudyanteng sina karen at sherlyn?
na magpahanggang ngayon kinalalagya'y 'di batid

si jonas ba'y may nakapagsabi na kung nasaan?
katulad din siya na hinahanap ng mga nagmamahal...
pero sila'y nananatiling mukhang patlang
at ang mga salarin malaya't nagdiriwang
paano bang salubungin ng ngiti ang pagpasok ng umaga?
gayong hanggang sa kasalukyan wala pa ang iyong sinisinta:
apo, anak, kapatid
pinsan, pamangkin
ama, ina
tiyo, tiya
lolo, lola
kasintahan
kaibigan
kakilalala
hindi lang kahapon o noong makalawa
di lang isang linggo o isang buwan na
ang bawat araw patuloy na tumataghoy sa pagbilang
ang bawat oras ay tila dekadang kawalan
at bawat minuto'y lumuluha kang lilisan
habang ang bawat segundo tila punyal
na sa puso mo'y itinatarak ng kalaban
habang buhay na yata ang pag-aalala
para sa minamahal na 'di mo malaman kung na saan na
paano ba ako sasabay ng maligaya ang
bawat mapupunit na ngiti dito sa labi
gayong kahit ang pagbubukangliwayway
kapag pagmamasdan mo'y nakikidalamahati
kasabay ng mga pipit sa himpapawid
ng mga kalapati at mayang lumilipad ng masugid
kasama ng sambayanan nakatunghay
at naghahanap sa iyong kinalalagyan
kung nasaan ka at iba pang dinukot
na di pa natatagpuan...

-severino hermoso
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento