kasabay nang pagtugtog ng harpa
at sumilay sa likod ng telon
ang mang-aawit na nagbangon
malungkot ang tinig ng siya'y pumasok
at pupungas na tila inaantok
paano nga ba makikita ang mga nota
sa bawat pagtunog ng kampana?
ang mga titik ba'y malinaw na binibigkas
ng bibig na umaawit ma'y may busal?
nasaan ang himig na likha ng piyano
sa bawat tiklado iyo bang nasisino?
sugatan ang nagtatanghal sinisikap bigyang buhay
nais niyang awitin ang binabatang kulay
ikaw man ay handang makinig sa musika
nitong mandirigmang ngayon ibig mangharana
sakit at kirot na sa kanya'y nagpala
isinasatinig ng mang-aawit ding nasa kanya
pakinggan mong mataimtim ang kanyang tinotono
pakikibakang hangad niyang ipagtagumpayan kasama mo...
-"isang awit" ni piping walang kamay
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento