Huwebes, Hunyo 5, 2008

mga kataga...

"...kung ang tangan mong ilaw sa iyong paningin tila
pumapanglaw,
lingunin mo silang walang makain
kundi yaong mga nilimos na tira sa
basurahan.
sulyapin mo silang walang tahanan
kundi yaong palasyo nilang kariton
at malawak na bangketa.
pagdamutan mong pagmasdan
silang nanlilimahid sa
karukhaan
saka ka matamang kumilatis sa sarili mong
tulad ng marmi ay biktima
rin naman...
ngayon, sabihin mo sa akin kung nagniningas
ng muli't lumalagablab
ang ilaw mong tangan..."

Walang komento: