marahil nagtataka kayo
kung bakit ako andito?
tanong ko sa tagapakinig
ng aking oda na ito
hindi naman tayo magkaanu-ano
ang dugo mo'y di talaga
kapareho ng sa akin
ang pagkatao mo'y lingid
sa aking pagkabatid
ang kapatid mo'y di ko kilala
kahit dahilan
bakit ka naluluha
di ko talaga matutukoy
kahit manghula
pero andito ako
nagsasalita.
humihinga.
tinutupad ang aking panata
narito ako sa isang madaling salita
dahil sa pag-ibig ko
sa sambayanang bunubusabos
at inaalipusta
na hangad ay pagbabago at paglaya
-'kaya ako andito', maria baleriz
Linggo, Hulyo 27, 2008
alon
kay rikit mong pagmasdan magandang karagatan
sa bawat paghalik nitong mga palasong sinag ng araw
sumasabog ang kinang ng bughaw mong tubig
dalisay at umaawit
kasama ng amihan at mga ibon sa himpapawid
maging ang kaibuturang ganda mo'y walang masambit
itong sariling labis na paghanga ang kumapit
kahit madalas na ang mga perlas mo'y
nahihiwalay sa iyong kalinga
pagkabighani ko'y di maipagkakaila
at sa tabi mo madalas akong mahiga
dinadama ang buhangin habang nakatingala
kay sarap sa pakiramdam ng iyong tubig
lalo na ang alon mong sinusuyo ang dalampasig
kung saan sa buhangin
aking iginuhit ang dalawang pusong umiibig
at inanod ng alon
ang pag-ibig ng dalawang puso
na maingat iginuhit
doon sa buhangin ng panaginip
ibinalik na ng alon
sa karagatan ng katotohanan
ang damdaming marahang naglalaho
sapagkat noon pa man
batid ng hahalo sa hangin ng kawalan
yaong mga salitang sinambit minsan
subalit sa paglaon kay bigat ng bitawan
ng mismong labing sabik noong makipaghinang
upang ipadama ang tinatawag na pagmamahal
-"inanod ng alon ang iginuhit na puso",
sa bawat paghalik nitong mga palasong sinag ng araw
sumasabog ang kinang ng bughaw mong tubig
dalisay at umaawit
kasama ng amihan at mga ibon sa himpapawid
maging ang kaibuturang ganda mo'y walang masambit
itong sariling labis na paghanga ang kumapit
kahit madalas na ang mga perlas mo'y
nahihiwalay sa iyong kalinga
pagkabighani ko'y di maipagkakaila
at sa tabi mo madalas akong mahiga
dinadama ang buhangin habang nakatingala
kay sarap sa pakiramdam ng iyong tubig
lalo na ang alon mong sinusuyo ang dalampasig
kung saan sa buhangin
aking iginuhit ang dalawang pusong umiibig
at inanod ng alon
ang pag-ibig ng dalawang puso
na maingat iginuhit
doon sa buhangin ng panaginip
ibinalik na ng alon
sa karagatan ng katotohanan
ang damdaming marahang naglalaho
sapagkat noon pa man
batid ng hahalo sa hangin ng kawalan
yaong mga salitang sinambit minsan
subalit sa paglaon kay bigat ng bitawan
ng mismong labing sabik noong makipaghinang
upang ipadama ang tinatawag na pagmamahal
-"inanod ng alon ang iginuhit na puso",
PAGLISAN
Umalis ako hindi dahil ginusto ko.
Kundi dahil sa ilang bagay
Na kailangan resulbahin.
Umalis ako hindi dahil
Ayaw ko ng panindigan
Ang pagiging rebolusyonaryo.
Ngunit upang lalo pang
Pagyamanin at pandayin
Ang prinsipyo at paninindigan.
Umalis akong bitbit
Ang mga salitang pabaon
Ng aking mga kasama.
Mga katagang pampatibay
At pampalakas ng loob.
Umalis akong nagnanais
Na sa aking pagbalik
Ay malugod niyo, mga kasama,
Akong tatanggapin muli.
Sa buhay kapiling silang api.
Silang ating ipinaglalaban
Hanggang kamatayan,
Hanggang tagumpay,
Hanggang sa mapawi ang mga uri.
-"paglisan", tulang katha ni lira
Sabado, Hulyo 26, 2008
makinilya
sa tiklado ng makinilya
doon ko ipinasa ang hapdi at kirot
ang sakit at balakyot
nitong damdaming sinaklot ng pangamba
pinuno ng pagdududa
nilipos ng kahirapang tila di na mawawala
at dahil paglaban
at paglaban at paglaban
para sa kalayaan
ang sinisigaw ng pusong
nasugatan
at pinagsamantalahan
hayaan mong mangusap
ang makinilya sa sandaling ito
ng karimlan
at ipaghehele ka ng kanyang musika
habang nasa kasarapan
ng paghigop sa kapeng
walang sing tapang
-"makinilya", piping walang kamay
doon ko ipinasa ang hapdi at kirot
ang sakit at balakyot
nitong damdaming sinaklot ng pangamba
pinuno ng pagdududa
nilipos ng kahirapang tila di na mawawala
at dahil paglaban
at paglaban at paglaban
para sa kalayaan
ang sinisigaw ng pusong
nasugatan
at pinagsamantalahan
hayaan mong mangusap
ang makinilya sa sandaling ito
ng karimlan
at ipaghehele ka ng kanyang musika
habang nasa kasarapan
ng paghigop sa kapeng
walang sing tapang
-"makinilya", piping walang kamay
alay
nahulog ako kasama ng mga luha
at dahan-dahang sumama
sa nilagapakang lupa
ako'y dagtang iniluwal
ng mga nagalusang dahon
at nagasgas na katawan ng punongkahoy
pilat ng nakaraan
ang nagpapatindig
hanggang ngayon
dugong sumulpot sa balat
na nasugatan
walang sing tingkad ang pula at katapangan
luha. pawis. at dugo
ang handa kong ialay
para sa asam na paglaya
bakit ko ipagkakait na ibigay?
-'alay', severino hermoso
hulyo 22, 2008
at dahan-dahang sumama
sa nilagapakang lupa
ako'y dagtang iniluwal
ng mga nagalusang dahon
at nagasgas na katawan ng punongkahoy
pilat ng nakaraan
ang nagpapatindig
hanggang ngayon
dugong sumulpot sa balat
na nasugatan
walang sing tingkad ang pula at katapangan
luha. pawis. at dugo
ang handa kong ialay
para sa asam na paglaya
bakit ko ipagkakait na ibigay?
-'alay', severino hermoso
hulyo 22, 2008
paalam
sandaling titigil ang mga titik
sapagkat sa panulaang digmaan
ako'y tiyak mananahimik
kaya iiwan ko'y di pagdadalamhati
kundi hamon ng mga salita
at paglaban na muling mamutawi
sa bawat dahon at bukangliwayway
at takipsilim
ang paglisan ay 'di talaga katapusan
ito'y pagsilang ng panibagong pakikibaka at tunggalian
-"paalam", piping walang kamay
sapagkat sa panulaang digmaan
ako'y tiyak mananahimik
kaya iiwan ko'y di pagdadalamhati
kundi hamon ng mga salita
at paglaban na muling mamutawi
sa bawat dahon at bukangliwayway
at takipsilim
ang paglisan ay 'di talaga katapusan
ito'y pagsilang ng panibagong pakikibaka at tunggalian
-"paalam", piping walang kamay
Biyernes, Hulyo 25, 2008
ngiti (ii)
wala ng tatamis dyan sa ngiti mong
sa pagod ko'y nag-aalis
ngiting akala mo'y alak
habang tumatagal
hinihigitan ang tamis ng asukal
pakiusap nitong puso
nitong estrangherong damdamin
huwag mong ipagkait ang ngiting iyan sa akin
sapagkat kung magkagayon
dagli buhay ko'y papawiin
-"ngiti", piping walang kamay
sa pagod ko'y nag-aalis
ngiting akala mo'y alak
habang tumatagal
hinihigitan ang tamis ng asukal
pakiusap nitong puso
nitong estrangherong damdamin
huwag mong ipagkait ang ngiting iyan sa akin
sapagkat kung magkagayon
dagli buhay ko'y papawiin
-"ngiti", piping walang kamay
oda sa mga bata (oda ng pagkabata)
inagaw na sandaling para sana maglaro
at dahan-dahan luha'y namumuo
sa mga matang tinakasan ng saya
lungkot ang gumuhit sa mukha
tahimik.
'di dapat marinig kahit paghibik
baka abutin pa'y patpat na pamalo
tatalikod na lang papasok ng bahay
at hayaang mangibabaw ang 'di pagsuway
nasaktan. ang batang isipan.
nagtampo. naghinanakit.
sa murang isip natutong magalit
sa munting kasiyahang sandaling ipinagkait
sa hiling na 'di nakamit
sa mga laruang inagaw pilit
mula sa angking mga kamay na maliit
inagaw ng mga kalarong pilyo't sigang paslit
hanap ay pagdamay.
kahit ang murang isip mauunawaan
kapag puso ang nangusap
at madama ang pagkalinga sa gitna ng pagdaramdam
madali na lang namang manumbalik ang ngiti
mga tatlong patong ng kinalaykay na ice cream
doon sa isang matamis na barkilyos ng kamusmusan
o kaya bagong laruan
o bola
o damit
pansuhol kung kanilang banggit
siguradong mapupunit
ang ngiting madali lang naman talagang iguhit
lalo ng mapag-arugang kamay
ng walang kapagurang nanay
kay tamis gunitain
sa tuwing mapapatingin
itong pagal na mga mata
sa mga musmos na bata sa kalsada
na ang pampahid madalas sa sipon
ay ang sariling siko o braso o kamay
na nanlilimahid sa dumi ng lipunang
akala ata'y paraiso niya't palaruan
sa iglap balintataw ay mapupuno
alaala sa utak kong umaalma ng ng paghinto
bata...
itulot mong makita ko
ang aking pagkukulang
sa pamamagitan ng kawastuhang nasisilay
ng mga mata mong wala pang muwang
at sa muli't-muli turuan mo akong
matutong lumuha, magalit, at ngumiti
sa tamang pagkakataon, oras, at sandali
iyo ang ngayon at bukas
habang akin ang kahapong tumatangis
hawak mo ang lahat sa iyong isipa't pandama
habang humuhulagpos na ang katuparan
ng pangarap kong numinipis
ipaalala mo
ipaalala mo...
...na minsan naging bata din ako.
-"oda sa mga bata (oda ng pagkabata)" ni piping walang kamay
at dahan-dahan luha'y namumuo
sa mga matang tinakasan ng saya
lungkot ang gumuhit sa mukha
tahimik.
'di dapat marinig kahit paghibik
baka abutin pa'y patpat na pamalo
tatalikod na lang papasok ng bahay
at hayaang mangibabaw ang 'di pagsuway
nasaktan. ang batang isipan.
nagtampo. naghinanakit.
sa murang isip natutong magalit
sa munting kasiyahang sandaling ipinagkait
sa hiling na 'di nakamit
sa mga laruang inagaw pilit
mula sa angking mga kamay na maliit
inagaw ng mga kalarong pilyo't sigang paslit
hanap ay pagdamay.
kahit ang murang isip mauunawaan
kapag puso ang nangusap
at madama ang pagkalinga sa gitna ng pagdaramdam
madali na lang namang manumbalik ang ngiti
mga tatlong patong ng kinalaykay na ice cream
doon sa isang matamis na barkilyos ng kamusmusan
o kaya bagong laruan
o bola
o damit
pansuhol kung kanilang banggit
siguradong mapupunit
ang ngiting madali lang naman talagang iguhit
lalo ng mapag-arugang kamay
ng walang kapagurang nanay
kay tamis gunitain
sa tuwing mapapatingin
itong pagal na mga mata
sa mga musmos na bata sa kalsada
na ang pampahid madalas sa sipon
ay ang sariling siko o braso o kamay
na nanlilimahid sa dumi ng lipunang
akala ata'y paraiso niya't palaruan
sa iglap balintataw ay mapupuno
alaala sa utak kong umaalma ng ng paghinto
bata...
itulot mong makita ko
ang aking pagkukulang
sa pamamagitan ng kawastuhang nasisilay
ng mga mata mong wala pang muwang
at sa muli't-muli turuan mo akong
matutong lumuha, magalit, at ngumiti
sa tamang pagkakataon, oras, at sandali
iyo ang ngayon at bukas
habang akin ang kahapong tumatangis
hawak mo ang lahat sa iyong isipa't pandama
habang humuhulagpos na ang katuparan
ng pangarap kong numinipis
ipaalala mo
ipaalala mo...
...na minsan naging bata din ako.
-"oda sa mga bata (oda ng pagkabata)" ni piping walang kamay
ganito kita iniibig
ganito kita iniibig
kapag malapit ka'y tila may
mabilis na pagtambol dito
sa loob ng dibdib
kayang tiisin ang pananabik
na ika'y makapiling
kahit gaano katagal
kahit pa mahirapan
mahal at mahal
pag-ibig at pag-ibig
sa iyo at sa bayan
sasambitin ko sayo lahat ng ito
ibubulong ko sayo
habang ika'y nahihimbing
sa duyan ng paglaban
at ating pagmamahal
para sa sambayanan
kapag malapit ka'y tila may
mabilis na pagtambol dito
sa loob ng dibdib
kayang tiisin ang pananabik
na ika'y makapiling
kahit gaano katagal
kahit pa mahirapan
mahal at mahal
pag-ibig at pag-ibig
sa iyo at sa bayan
sasambitin ko sayo lahat ng ito
ibubulong ko sayo
habang ika'y nahihimbing
sa duyan ng paglaban
at ating pagmamahal
para sa sambayanan
Huwebes, Hulyo 24, 2008
problemado
malamig ang kanyang mga titik
walang gana at tila tulala
kulang sa bantas ang mga pangungusap
walang damdamin ang mga parirala
nagtataka ang mga letra
tuloy ang mga parapo tensyunado
ang buong katawan tila lupaypay
ang panimula walang buhay
tuliro ang buong akda
may problema na sa simula
ang abang lumikha ng talinghaga
-"problemado", piping walang kamay
walang gana at tila tulala
kulang sa bantas ang mga pangungusap
walang damdamin ang mga parirala
nagtataka ang mga letra
tuloy ang mga parapo tensyunado
ang buong katawan tila lupaypay
ang panimula walang buhay
tuliro ang buong akda
may problema na sa simula
ang abang lumikha ng talinghaga
-"problemado", piping walang kamay
Mi dispiace
You ask me for a light and I turn away, pretending not to hear you. You walk away, finding somebody else. Always, you smile at me, a million times more than I care to count. At programs, at impromptu gatherings, in the middle of the sunburnt streets bleeding red, even at random moments when we cross each other's paths in that dilapidated building that cradles young hearts with fiery voices. And always, I look down pretending to fiddle with a book, or a cig, or a pen, anything, anything at all, so I would not have to meet your expectant gaze. Or, when the demons get the better of me, I raise an eyebrow, or frown. You turn away.
In another lifetime, perhaps, we could have talked, shared jokes and cigarettes, theorized, laughed and cried about the bumps and twisting turns of this protracted journey.
For we walk on the same rough road to freedom: carry the same flags, bear the same burdens, and will share the same eventual triumph.
But that is in another lifetime. For the sun that eludes my sight, in yours takes delight.
And (now) there is nothing but
re·gret
/rɪˈgrɛt/ [ri-gret]
–verb (used with object)
to feel sorrow or remorse for (an act, fault, disappointment, etc.)
Non posso.
In another lifetime, perhaps, we could have talked, shared jokes and cigarettes, theorized, laughed and cried about the bumps and twisting turns of this protracted journey.
For we walk on the same rough road to freedom: carry the same flags, bear the same burdens, and will share the same eventual triumph.
But that is in another lifetime. For the sun that eludes my sight, in yours takes delight.
And (now) there is nothing but
re·gret
/rɪˈgrɛt/ [ri-gret]
–verb (used with object)
to feel sorrow or remorse for (an act, fault, disappointment, etc.)
Non posso.
tanong
bakit ba dapat itago ang nararamdaman?
dahil ba sa pangambang baka mabalewala
ang alok na pagmamahal?
o dahil hindi pa sigurado sa kahandaan?
anong mangyayari sa pusong nasaktan?
tatangis na lang ba o magpapatuloy na magmamahal?
-pinilas na bahagi mula sa tulang "tanong" ni severino hermoso
(tulang nilikha para kay ka dena)
dahil ba sa pangambang baka mabalewala
ang alok na pagmamahal?
o dahil hindi pa sigurado sa kahandaan?
anong mangyayari sa pusong nasaktan?
tatangis na lang ba o magpapatuloy na magmamahal?
-pinilas na bahagi mula sa tulang "tanong" ni severino hermoso
(tulang nilikha para kay ka dena)
"laylo"
pilitin mo mang taksan ang kamulatang sayo'y tumutugis
hindi mo magagawa
pilitin mo mang huminto at magsawalang bahala
ang ganoong kapasyahan ay mababalewala
para kang isdang ibig humiwalay sa tubig...
mahirap.
masalimuot.
sa bawat oras ng paghimpil
at 'di pagkilos
dulot ay lungkot at pagkabagot
ang mga ngiting pupunit sa labi
walang sigla ang hatid
at mata'y salamin ng matamlay na pagbati
ikaw at ikaw ang nakakabatid
makakabatid
huwag mong hayaang mangibabaw
burges na pag-iisip
-'laylo', piping walang kamay
hindi mo magagawa
pilitin mo mang huminto at magsawalang bahala
ang ganoong kapasyahan ay mababalewala
para kang isdang ibig humiwalay sa tubig...
mahirap.
masalimuot.
sa bawat oras ng paghimpil
at 'di pagkilos
dulot ay lungkot at pagkabagot
ang mga ngiting pupunit sa labi
walang sigla ang hatid
at mata'y salamin ng matamlay na pagbati
ikaw at ikaw ang nakakabatid
makakabatid
huwag mong hayaang mangibabaw
burges na pag-iisip
-'laylo', piping walang kamay
palaboy
gumagapang sa kahirapan
basa ang katawan
pati ang gusgusing kamiseta
mahirap talaga kapag umuulan
lalo sa tulad nilang walang masilungan
-"palaboy", maria baleriz
basa ang katawan
pati ang gusgusing kamiseta
mahirap talaga kapag umuulan
lalo sa tulad nilang walang masilungan
-"palaboy", maria baleriz
Miyerkules, Hulyo 23, 2008
palimos ng magandang bukas
nakikiamot ng kaunting saplot
para sa katawang nilalamig
sanhi ng ulang dumilig
dito sa katawang yayat at nanlilimahid
nag-aabang ng ilang baryang
ihahagis sa kalsada
mula sa awang maaring sayo'y magpala
nanlilimahid sa alikabok na naging libag
at natutulog sa kalsadang papag
doon sa bangketa na kariton ang pansapin
maitawid lang ang antok at gutom na din
-"palimos ng magandang bukas", piping walang kamay
para sa katawang nilalamig
sanhi ng ulang dumilig
dito sa katawang yayat at nanlilimahid
nag-aabang ng ilang baryang
ihahagis sa kalsada
mula sa awang maaring sayo'y magpala
nanlilimahid sa alikabok na naging libag
at natutulog sa kalsadang papag
doon sa bangketa na kariton ang pansapin
maitawid lang ang antok at gutom na din
-"palimos ng magandang bukas", piping walang kamay
paano nga kaya?
paano nga kaya manligaw ang paru-paro?
may mataimtim pa bang dasal?
o mga sulat ng pagmamahal?
ang mga kalapati paano masaktan?
umiiyak din kaya sila kapag iniiwan ng mahal?
parang ayaw ko ng tanungin ang aso kung paano.
sigurado atang walang katapatan
doon sa kanilang puso?
mainam siguro ang mga penguin?
may tatapat pa kaya sa dalisay niyang pag-ibig?
ikaw ba ay paano?
sa usaping pagtatangi ng puso
handa ka bang ipaglaban ang
kung ano ang totoo sa iyo?
-"paano nga kaya?", maria baleriz
may mataimtim pa bang dasal?
o mga sulat ng pagmamahal?
ang mga kalapati paano masaktan?
umiiyak din kaya sila kapag iniiwan ng mahal?
parang ayaw ko ng tanungin ang aso kung paano.
sigurado atang walang katapatan
doon sa kanilang puso?
mainam siguro ang mga penguin?
may tatapat pa kaya sa dalisay niyang pag-ibig?
ikaw ba ay paano?
sa usaping pagtatangi ng puso
handa ka bang ipaglaban ang
kung ano ang totoo sa iyo?
-"paano nga kaya?", maria baleriz
ako ay ikaw din
ako ay ikaw din.
nilupig ng kahirapang
dulot ng pagsasamantala.
ako ay ikaw din.
itinulak palabas
ng paaralan.
ipinagtabuyan palayo
sa edukasyong karapatan.
hawak ay mga kwentas
ng sampagita sa mataong simbahan
ako ay ikaw din.
binusabos ng sistema.
ikaw at ako ay iisa:
BIKTIMA!
-pinilas na bahagi mula sa tulang
"ako ay ikaw din" ni piping walang kamay
nilupig ng kahirapang
dulot ng pagsasamantala.
ako ay ikaw din.
itinulak palabas
ng paaralan.
ipinagtabuyan palayo
sa edukasyong karapatan.
hawak ay mga kwentas
ng sampagita sa mataong simbahan
ako ay ikaw din.
binusabos ng sistema.
ikaw at ako ay iisa:
BIKTIMA!
-pinilas na bahagi mula sa tulang
"ako ay ikaw din" ni piping walang kamay
itago
ikubli mo ako pusikit na gabi
itago mo ang nagliliyab kong poot
upang matalos nitong pangwari
ikaw ang baluting di magagapi
di hahayaang ako'y mahirati
sa pagkasuklam
sa lipunang walang 'sing lupit
kung mang-uyam
itago mo ang nagliliyab kong poot
upang matalos nitong pangwari
ikaw ang baluting di magagapi
di hahayaang ako'y mahirati
sa pagkasuklam
sa lipunang walang 'sing lupit
kung mang-uyam
Sapat
Mahal kita.
Ngayong nasambit ko na
Ang mga katagang ito
Para sa iyo kasama
Ay para bang nalunod ako.
Sa araw-araw na pagbigkas
Ng mga katagang puno ng
Dedikasyon, pag-asa, pangungulila
Ay para bang nilulunod ako.
Lunod sa ilusyong
Sa bawat pagbigkas ng mga kataga
Sa aking bibig
Ay mararamdaman mo ngang tunay
Ang pag-ibig ko.
Na baka sakali,
Ay malugod mo itong susuklian.
Ngunit nasipat agad
Ng aking umiibig na puso
Na hindi mapagpasiya
Ang pag-amin sa tunay na nadarama.
Sapat na ang maramdaman ko
At ipatawid sa iyo kasama
Ang alay kong pag-ibig.
-'sapat', lira
Martes, Hulyo 22, 2008
habang nakikilala ka
habang nakikilala ka
'di ko maunawaan ang aking nadarama noong una
may panahong umuurong itong mga paa
na dati kay tulin sa pakikipagkarera
sa kabatirang malapit ka ng makita
pero sa sandaling nariyan na
kulang na lang ay iwan
ang katawan kong nakalutang
para lang takasan
ang kabang nadarama
habang nakikilala ka
baket sa tuwina pinamumulahan
ako ng mukha
mga pisngi ko'y tila nasabuyan
ng apoy
at ang pakiramdam tila ba
ibig ng maluoy
habang nakikilala ka
tila ba ako sanggol na bata
paano ba naman hindi ko maituwid
itong pagsasalita
sa tuwina'y nauutal
sa mga bibigkasing salita
samantalang sa pagtatalakay
kay husay mangusap lalo't
kapag ika'y wala
habang nakikilala ka
higit kong natiis ang pangamba
ibayo pang niyakap ang
sakripisyo't paghihirap
at sa pakiwari nga'y lahat aking matatanggap
handang masaktan
at sakit ay malasap
basta para sa sambayanan
lahat mahaharap
habang nakikilala kita
nakikilala ko ang ating pakikibaka
at habang lumalalim
mas natututunan ko ang lumangoy kasama ka
dito sa rebolusyon
na karagatan ng samu't-saring dadamin
na itinuro mong masa at ang masa pa din
ang una't huli nating pakaiibigin
at habang nakikila kita
nakikila ko ang rebolusyon...
kung gaano kasalimuot itong daan pasulong
para sa paglaya
'di na ako nangangamba
wala na akong pag-aalinlangan pa
sapagkat kasabay ng sa iyo'y
aking pagkakakilala
dahan-dahan
unti-unti
nakikilala ko't natatanggap
ang kawastuhan
sa ating pakikibaka...
-"habang nakikilala ka", severino hermoso
'di ko maunawaan ang aking nadarama noong una
may panahong umuurong itong mga paa
na dati kay tulin sa pakikipagkarera
sa kabatirang malapit ka ng makita
pero sa sandaling nariyan na
kulang na lang ay iwan
ang katawan kong nakalutang
para lang takasan
ang kabang nadarama
habang nakikilala ka
baket sa tuwina pinamumulahan
ako ng mukha
mga pisngi ko'y tila nasabuyan
ng apoy
at ang pakiramdam tila ba
ibig ng maluoy
habang nakikilala ka
tila ba ako sanggol na bata
paano ba naman hindi ko maituwid
itong pagsasalita
sa tuwina'y nauutal
sa mga bibigkasing salita
samantalang sa pagtatalakay
kay husay mangusap lalo't
kapag ika'y wala
habang nakikilala ka
higit kong natiis ang pangamba
ibayo pang niyakap ang
sakripisyo't paghihirap
at sa pakiwari nga'y lahat aking matatanggap
handang masaktan
at sakit ay malasap
basta para sa sambayanan
lahat mahaharap
habang nakikilala kita
nakikilala ko ang ating pakikibaka
at habang lumalalim
mas natututunan ko ang lumangoy kasama ka
dito sa rebolusyon
na karagatan ng samu't-saring dadamin
na itinuro mong masa at ang masa pa din
ang una't huli nating pakaiibigin
at habang nakikila kita
nakikila ko ang rebolusyon...
kung gaano kasalimuot itong daan pasulong
para sa paglaya
'di na ako nangangamba
wala na akong pag-aalinlangan pa
sapagkat kasabay ng sa iyo'y
aking pagkakakilala
dahan-dahan
unti-unti
nakikilala ko't natatanggap
ang kawastuhan
sa ating pakikibaka...
-"habang nakikilala ka", severino hermoso
Lunes, Hulyo 21, 2008
sa sunken ko ibig maglaho
maglaho kaya ako saglit?
hanapin mo kaya ako
kung bukangliwayway ay sumapit?
lalo't madama mong wala ako
sa paligid?
ibig kong sa sandali'y sumanib sayo:
maging punongkahoy na sa lupa'y nakaugat
laging matayog ang pangarap
para sa sambayanan
maging ibong maya o langay-langayan
upang damhin ang hangin
at alab ng katanghalian
maging damuhang nakalatag sa pusod
ng angking kagandahan
at damhin ang pagpapala
ng langit tuwing umuulan
at pagsapit ng dilim
nais kong namnamin
ang mga luhang nagmumula
sa alikabok ng mga bituin
na sa pagsapit ng bukangliwayway
mga hamog na humahalik
sa pisngi ng mga dahon
at lupang inangkin
ibig kong maglaho kahit saglit.
bahala na kung ako'y hanapin
sa sandaling sa paningin ay mawaglit.
nais ko lang maramdaman
sa iyong kalinga mapadpad pansamantala
at sa maikling panahon kalimutang
tao akong lumalaban at nagmamahal
sa iyong pananatiling buhay
sa puso't isipan ng mga mortal
hanapin mo kaya ako
kung bukangliwayway ay sumapit?
lalo't madama mong wala ako
sa paligid?
ibig kong sa sandali'y sumanib sayo:
maging punongkahoy na sa lupa'y nakaugat
laging matayog ang pangarap
para sa sambayanan
maging ibong maya o langay-langayan
upang damhin ang hangin
at alab ng katanghalian
maging damuhang nakalatag sa pusod
ng angking kagandahan
at damhin ang pagpapala
ng langit tuwing umuulan
at pagsapit ng dilim
nais kong namnamin
ang mga luhang nagmumula
sa alikabok ng mga bituin
na sa pagsapit ng bukangliwayway
mga hamog na humahalik
sa pisngi ng mga dahon
at lupang inangkin
ibig kong maglaho kahit saglit.
bahala na kung ako'y hanapin
sa sandaling sa paningin ay mawaglit.
nais ko lang maramdaman
sa iyong kalinga mapadpad pansamantala
at sa maikling panahon kalimutang
tao akong lumalaban at nagmamahal
sa iyong pananatiling buhay
sa puso't isipan ng mga mortal
maganda nga ba?
maganda nga ba ang bukangliwayway
para sa sikmurang kumakalam
simula pa sa nagdaang karimlan?
ano ang naghihintay sa mga
walang yaman
kundi ang nabubulok na yero
sa kanilang bubungan
at tabing na sako bilang haligi
ng kanilang tahanan
at tanging pag-idlip
ang sagot sa nagngangalit na
bituka sa tiyan?
maganda nga ba ang katanghalian?
para sa mga manggagawang pawis at
oras at dugo ang puhunan
sa maghapong paggawa
pero kakarampot ang sahod
na kanilang tinatamasa?
maganda nga ba ang hapon
sa mga magsasakang nakikiamot
ng lupang mapagtataniman
na kanilang ikabubuhay
para sa ngayon?
at kuwestyon pa kung
maitatawid ang kinabukasan
sa pangambang walang pantay
na hati sa ani ang kanilang
hantungan...
habang ang ilang may lupang sakahan
nagbabantang maglaho pa
ang lupang kayamanan
kasabay ng buhay na iniingatan
dahil sa mga ganid na panginoon
na pilit nangangamkam
at sa sila'y inaagawan
hindi lang ng lupa kundi maging ng dangal?
maganda nga ba ang gabi
para sa pusong tumitibok?
di lang para sa umiibig
at nagmamahal sa sambayanan
kundi sa pusong nagtatangi din
sa estrangherong di pa ma'y dahilan na din
kung bakit nagmamahal...
ano nga ba ang naghihintay
sa sambayanang pinasasamantalahan
kung hindi isusulong ang
magpapalayang digma para sa bayan.
-'maganda nga ba?', severino hermoso
para sa sikmurang kumakalam
simula pa sa nagdaang karimlan?
ano ang naghihintay sa mga
walang yaman
kundi ang nabubulok na yero
sa kanilang bubungan
at tabing na sako bilang haligi
ng kanilang tahanan
at tanging pag-idlip
ang sagot sa nagngangalit na
bituka sa tiyan?
maganda nga ba ang katanghalian?
para sa mga manggagawang pawis at
oras at dugo ang puhunan
sa maghapong paggawa
pero kakarampot ang sahod
na kanilang tinatamasa?
maganda nga ba ang hapon
sa mga magsasakang nakikiamot
ng lupang mapagtataniman
na kanilang ikabubuhay
para sa ngayon?
at kuwestyon pa kung
maitatawid ang kinabukasan
sa pangambang walang pantay
na hati sa ani ang kanilang
hantungan...
habang ang ilang may lupang sakahan
nagbabantang maglaho pa
ang lupang kayamanan
kasabay ng buhay na iniingatan
dahil sa mga ganid na panginoon
na pilit nangangamkam
at sa sila'y inaagawan
hindi lang ng lupa kundi maging ng dangal?
maganda nga ba ang gabi
para sa pusong tumitibok?
di lang para sa umiibig
at nagmamahal sa sambayanan
kundi sa pusong nagtatangi din
sa estrangherong di pa ma'y dahilan na din
kung bakit nagmamahal...
ano nga ba ang naghihintay
sa sambayanang pinasasamantalahan
kung hindi isusulong ang
magpapalayang digma para sa bayan.
-'maganda nga ba?', severino hermoso
ikaw ang kulang
ikaw.
ang elementong kulang:
sa mga larawan ng litratista ng mga talinghaga
sa obra ng iskultor ng panulaan
sa piyesa ng mang-aawit ng epiko't kasaysayan
sa harding mayabong subalit walang rosas
sa malalim na karagatang hinahanap ang kanyang perlas
ikaw.
ang hinahanap:
sa mga pagluhang hanap ay kasagutan
sa mga katanungang nananatili sa pandama
sa mga pagsintang nalipos ng pangamba
sa mga tinging nagmamakaawa
sa mga sikmurang kumakalam sa umaga
ikaw.
ang tila nawawala:
sa mga pagkilos sa mga lansangan
sa mga boses na naghihintay ng tugon
sa mga paghiyaw na hanap ay katarungan
sa mga pagtangis na mga amis
ikaw.
ang hinihintay na salik
sa bawat paglaban na ninanais
ay paglaya at pagbabago
hiling at hiling
kasama ka
doon man o dito
kailan nga ba muli ay sasanib?
sa pakikibakang minsan mo ng niyakap
at inibig
sa pakikibakang ikaw man din ay
bahagi
kailang kaya manunumbalik
ang kulang
na ikaw ang pupuno
sa hinihintay na pagbabalik...
-"ikaw ang kulang", severino hermoso
ang elementong kulang:
sa mga larawan ng litratista ng mga talinghaga
sa obra ng iskultor ng panulaan
sa piyesa ng mang-aawit ng epiko't kasaysayan
sa harding mayabong subalit walang rosas
sa malalim na karagatang hinahanap ang kanyang perlas
ikaw.
ang hinahanap:
sa mga pagluhang hanap ay kasagutan
sa mga katanungang nananatili sa pandama
sa mga pagsintang nalipos ng pangamba
sa mga tinging nagmamakaawa
sa mga sikmurang kumakalam sa umaga
ikaw.
ang tila nawawala:
sa mga pagkilos sa mga lansangan
sa mga boses na naghihintay ng tugon
sa mga paghiyaw na hanap ay katarungan
sa mga pagtangis na mga amis
ikaw.
ang hinihintay na salik
sa bawat paglaban na ninanais
ay paglaya at pagbabago
hiling at hiling
kasama ka
doon man o dito
kailan nga ba muli ay sasanib?
sa pakikibakang minsan mo ng niyakap
at inibig
sa pakikibakang ikaw man din ay
bahagi
kailang kaya manunumbalik
ang kulang
na ikaw ang pupuno
sa hinihintay na pagbabalik...
-"ikaw ang kulang", severino hermoso
ulan
sandaling dinilig ng langit ang paligid
laksa-laksang luhang nagmula sa pag-ibig
na inipon at sa ulap natigib
sa bigat ng dala'y sumambulat pilit
at nagpala sa mga buhay at walang pagod na bisig
mga puno't halaman,
lupa't mga gusaling nagtataasan
dumilig sa mga bagay na walang paghinga at paghiyaw
sa lupit nitong lipunang pinagsisidlan
ng mga ganid sa yaman at laman
bumuhos ka pa ulan
marahas kung ibig mo ay ganyan
subalit hiling naming mga pinagsasamantalahan
parusahan mo ay yaong mga ganid
silang walang ginawa kung di sairin
ang yaman sa mamamayan ay nakahilig
magsawa ka man sa pagbuhos
siguraduhin mong nalupig mo't naubos
kung hindi man lahat
sana yaong mga sagadsagarin
at sa pagbalik mo na lang ulit
lipulin ang mga latak na di nahagip
o napuruhan ng iyong galit
-"ulan",severino hermoso
laksa-laksang luhang nagmula sa pag-ibig
na inipon at sa ulap natigib
sa bigat ng dala'y sumambulat pilit
at nagpala sa mga buhay at walang pagod na bisig
mga puno't halaman,
lupa't mga gusaling nagtataasan
dumilig sa mga bagay na walang paghinga at paghiyaw
sa lupit nitong lipunang pinagsisidlan
ng mga ganid sa yaman at laman
bumuhos ka pa ulan
marahas kung ibig mo ay ganyan
subalit hiling naming mga pinagsasamantalahan
parusahan mo ay yaong mga ganid
silang walang ginawa kung di sairin
ang yaman sa mamamayan ay nakahilig
magsawa ka man sa pagbuhos
siguraduhin mong nalupig mo't naubos
kung hindi man lahat
sana yaong mga sagadsagarin
at sa pagbalik mo na lang ulit
lipulin ang mga latak na di nahagip
o napuruhan ng iyong galit
-"ulan",severino hermoso
Linggo, Hulyo 20, 2008
Kung Ibig Mo Akong Makilala
Kung Ibig Mo Akong Makilala
Ruth Elynia Mabanglo
Kung ibig mo akong makilala
Lampasan mo ang guhit ng mahugis na balat,
Ang titig kong dagat—
Yumayapos nang mahigpit sa bawat saglit
Ng kahapon ko’t bukas
Kung ibig mo akong makilala
Sunduin mo ako sa himlayang dilim
At sa madlang pagsukol ng inunang hilahil
Ibangon ako at saka palayain.
Isang pag-ibig na lipos ang lingap
Tahanang malaya sa pangamba at sumbat
May suhay ng tuwa’t kaluwalhatia’y
Walang takda—
Ialay mong lahat ito sa akin
Kung mahal mo ako’t ibig kilalanin
Kung ibig mo akong kilalanin,
Sisirin mo ako hanggang buto,
Liparin mo ako hanggang utak,
Umilanlang ka hanggang kaluluwa,
Hubad ako roon mula ulo hanggang paa.
galos
sinusupil ko ang pagluwal ng dagta
sa dahon ng puno ng mangga
kailangan na maampat ko ang pagdurugo
sa dahong nagalusan ng pangamba
nasaan ka pag-ibig
ikaw na lunas sa lahat-lahat
bakit kay ilap na ika'y mahagilap?
-severino hermoso
sa dahon ng puno ng mangga
kailangan na maampat ko ang pagdurugo
sa dahong nagalusan ng pangamba
nasaan ka pag-ibig
ikaw na lunas sa lahat-lahat
bakit kay ilap na ika'y mahagilap?
-severino hermoso
kaarawan
ilang taon ng nga ba ang lumipas?
sampu?
labinglima?
dalawangpu?
ilan?
itanong mo man di ko tiyak
ngunit isang punto:
nang makilala ka tila huminto
ang oras at segundo
lahat tila bagong luwal
nitong lipunang ating hinuhubog
para sa magandang bukas ng sambayanan
'di ko nasaksihan ang iyong pagsilang
pero salamat...
...sa iyong kaarawan.
-"kaarawan", severino hermoso
sampu?
labinglima?
dalawangpu?
ilan?
itanong mo man di ko tiyak
ngunit isang punto:
nang makilala ka tila huminto
ang oras at segundo
lahat tila bagong luwal
nitong lipunang ating hinuhubog
para sa magandang bukas ng sambayanan
'di ko nasaksihan ang iyong pagsilang
pero salamat...
...sa iyong kaarawan.
-"kaarawan", severino hermoso
mahulog sa pag-ibig
may dalawang kaluluwang
nakatakdang magsama
sabi nila
tadhana ang nagtakda
nakasulat sa kapalarang
bathala ang lumikha
subalit kung ano man
naniniwala ako
sa dalawang nilalang
na sa kalaunan magsasanib
at pagbibigkisin
'di mapaghihiwalay ng puwang
o layo man ng pagitan
ito iyong pakiramdam sa bawat awit
kapag pumapailanlang ang himig
at kasama kayong naglalakad
sa kalsada man o dalampasigan
ang lahat para bang slow motion ang drama
ito iyong pakiramdam sa bawat yakap
nakakapaso ang init pero di mo mapagkakalas
sapagkat ang sangkap ay tama
tamang-tama
ito iyong pakiramdam sa bawat kamay na magkahawak
eksakto ang bawat daliri sa mga puwang
para bang hindi na nais maghiwalay
bunga ng kaligtasang hatid
dito sa lipunang sadyang mapanganib
ito iyong pakiramdam sa bawat pagtatama ng paningin
ang bawat titig ayaw mo nang alisin
'di mo na nais sa iba pa tumingin
at kahit ang pagkurap 'di mo gugustuhin
pinaghalong kaba at kilig
ang dulot sa kumakabog na dibdib
ito iyong pakiramdam sa bawat pagkakataon
kay hirap ipaliwanag
datapuwat kay daling maunawaan
kapag naman nahagilap mo yaong kapanatagan
malalaman mo na lang
ayaw mo na siyang bitiwan
ito iyong pakiramdam sa bawat pagkakataon
kalakip ay takot
lahat naman tayo ay takot
at normal ito
ngunit nangangailangan ng isang dahilan
upang ang dalawang takot
na kaluluwa ay gumawa
ng isang matapang na desisyon:
ang mahulog sa pag-ibig.
-"mahulog sa pag-ibig", severino hermoso
nakatakdang magsama
sabi nila
tadhana ang nagtakda
nakasulat sa kapalarang
bathala ang lumikha
subalit kung ano man
naniniwala ako
sa dalawang nilalang
na sa kalaunan magsasanib
at pagbibigkisin
'di mapaghihiwalay ng puwang
o layo man ng pagitan
ito iyong pakiramdam sa bawat awit
kapag pumapailanlang ang himig
at kasama kayong naglalakad
sa kalsada man o dalampasigan
ang lahat para bang slow motion ang drama
ito iyong pakiramdam sa bawat yakap
nakakapaso ang init pero di mo mapagkakalas
sapagkat ang sangkap ay tama
tamang-tama
ito iyong pakiramdam sa bawat kamay na magkahawak
eksakto ang bawat daliri sa mga puwang
para bang hindi na nais maghiwalay
bunga ng kaligtasang hatid
dito sa lipunang sadyang mapanganib
ito iyong pakiramdam sa bawat pagtatama ng paningin
ang bawat titig ayaw mo nang alisin
'di mo na nais sa iba pa tumingin
at kahit ang pagkurap 'di mo gugustuhin
pinaghalong kaba at kilig
ang dulot sa kumakabog na dibdib
ito iyong pakiramdam sa bawat pagkakataon
kay hirap ipaliwanag
datapuwat kay daling maunawaan
kapag naman nahagilap mo yaong kapanatagan
malalaman mo na lang
ayaw mo na siyang bitiwan
ito iyong pakiramdam sa bawat pagkakataon
kalakip ay takot
lahat naman tayo ay takot
at normal ito
ngunit nangangailangan ng isang dahilan
upang ang dalawang takot
na kaluluwa ay gumawa
ng isang matapang na desisyon:
ang mahulog sa pag-ibig.
-"mahulog sa pag-ibig", severino hermoso
pag-iisang dibdib
minamasdan kita
ang pinakamagandang bulaklak
sa hardin ng awitan at pakikibaka
naglalakad ka...
marahan...
patungo sa altar kung saan
magsusumpaan ng walang hanggan
kung saan sasambitin
ang ngayon at magpakailanman
kung saan papailanlang sa hangin
ang alingawngaw ang putok ng mga armalite
simoy ng hanging mapapabanguhan ng pulbura
umuulan ng confetti gawa sa mga talulot
ng rosas, hasmin, santan, at sampagita
at bibitawan ang katagang,
"hanggang kamatayan,
paglilingkuran ang pag-ibig
sa rebolusyon at sambayanan"
...at kukupas ang sandali
lalabas na ako sa aking panaginip.
-"pag-iisang dibdib", maria baleriz
ang pinakamagandang bulaklak
sa hardin ng awitan at pakikibaka
naglalakad ka...
marahan...
patungo sa altar kung saan
magsusumpaan ng walang hanggan
kung saan sasambitin
ang ngayon at magpakailanman
kung saan papailanlang sa hangin
ang alingawngaw ang putok ng mga armalite
simoy ng hanging mapapabanguhan ng pulbura
umuulan ng confetti gawa sa mga talulot
ng rosas, hasmin, santan, at sampagita
at bibitawan ang katagang,
"hanggang kamatayan,
paglilingkuran ang pag-ibig
sa rebolusyon at sambayanan"
...at kukupas ang sandali
lalabas na ako sa aking panaginip.
-"pag-iisang dibdib", maria baleriz
PABOR
Kung iyo’y mamarapatin
Mahal ko,
Maaari ba akong humingi
Ng pabor?
Kung maaari sana,
Hintayin mo ako.
Huwag ka munang magmahal
Ng ibang kasama.
Huwag ka munang tumanggap
Ng alay na pag-ibig ng iba.
Maaari bang hintayin mo
Ang pagbalik ko?
Batid kong mali at mahirap
Ang hinihiling ko.
Ngunit masisisi mo ba
Ang isang katulad kong
Hayok sa iyong pag-ibig?
Na umasa, mangarap
Na ito’y tutuparin mo?
Na ako’y iyong hihintayin
Upang sa pagbalik
Ay walang sandaling sasayangin
Para ihapag at iparamdam
Ang hangaring
Ika’y maging katuwang
Hanggang sa tagumpay.
-"pabor", Lira
Sabado, Hulyo 19, 2008
mulat
huwag kang pumikit
isipang mulat
lalo sa panahong
dapat kang dilat
huwag mong iwaksi
ang pagkilos na dapat
at batid mong paglaya
ang siyang sinisipat
kung kailangang isara
yaong mga mata
gawin mong buong laya kasama
subalit pakiusap ko sana
huwag mong isama
ang diwang nakikibaka
kamalayang nakikiisa
sa pinagsasamantalahang masa
para sa paglaban at paglaya
isipang nagsusulong ng digmang lalagot
sa ilang daang taong pang-aalipusta
'pagkat ang kamulatan
sa sandaling humalik sa iyong gunam-gunam
mananatili na ito't makikipagtunggalian
sa kung ano at dapat mong gampanan
sa rebolusyong magpapalaya sa mamamayan
isanib mo ang ikaw
sa laksa-laksa't bilyon-bilyong mga maya,
langay-langayan, pipit, agila
na naghahangad ng paglaya
walang mawawala sa ating pagtatagumpay
kundi pawang mga tanikala ng pagsasamantala
ng mga dayung kaaway
-"mulat", piping walang kamay
hulyo 16, 2008
isipang mulat
lalo sa panahong
dapat kang dilat
huwag mong iwaksi
ang pagkilos na dapat
at batid mong paglaya
ang siyang sinisipat
kung kailangang isara
yaong mga mata
gawin mong buong laya kasama
subalit pakiusap ko sana
huwag mong isama
ang diwang nakikibaka
kamalayang nakikiisa
sa pinagsasamantalahang masa
para sa paglaban at paglaya
isipang nagsusulong ng digmang lalagot
sa ilang daang taong pang-aalipusta
'pagkat ang kamulatan
sa sandaling humalik sa iyong gunam-gunam
mananatili na ito't makikipagtunggalian
sa kung ano at dapat mong gampanan
sa rebolusyong magpapalaya sa mamamayan
isanib mo ang ikaw
sa laksa-laksa't bilyon-bilyong mga maya,
langay-langayan, pipit, agila
na naghahangad ng paglaya
walang mawawala sa ating pagtatagumpay
kundi pawang mga tanikala ng pagsasamantala
ng mga dayung kaaway
-"mulat", piping walang kamay
hulyo 16, 2008
shoe box
naglalakad ka
pero malaya nga ba talaga ang bawat hakbang?
hakbang na tila tumatakbo patakas
sa kung ano't sino'y di matukoy
di rin mabigkas
maging ang hantungan ay hindi tiyak
inaabot na pangarap:
madilim
malabo
walang kasiguraduhan
saan nga ba tutungo?
saan mapapadpad?
saan ka kakaladkarin ng mga paang hubad?
na kahit pansapin walang mahagilap
maski di magkarelasyong tsinelas?
bunga na din ng masaklap na kalagayan
panglaman nga sa kumakalam na tiyan
walang maapuhap
papaaano pa mapupunan ang karapatan
nyaring mga paa
na paltos na't sugatan
na makaranas muling masapinan
ng malambot na alpombra
o disenteng pangyapak na gawa sa goma
marahil wala pang pag-asa
hanggang nakakahon sa pagsasamantala
at ang sahod mo'y nananatiling
tila palimos sa aba
at ang kabuhayang nilubog sa lupa
-shoe box, maria baleriz
pero malaya nga ba talaga ang bawat hakbang?
hakbang na tila tumatakbo patakas
sa kung ano't sino'y di matukoy
di rin mabigkas
maging ang hantungan ay hindi tiyak
inaabot na pangarap:
madilim
malabo
walang kasiguraduhan
saan nga ba tutungo?
saan mapapadpad?
saan ka kakaladkarin ng mga paang hubad?
na kahit pansapin walang mahagilap
maski di magkarelasyong tsinelas?
bunga na din ng masaklap na kalagayan
panglaman nga sa kumakalam na tiyan
walang maapuhap
papaaano pa mapupunan ang karapatan
nyaring mga paa
na paltos na't sugatan
na makaranas muling masapinan
ng malambot na alpombra
o disenteng pangyapak na gawa sa goma
marahil wala pang pag-asa
hanggang nakakahon sa pagsasamantala
at ang sahod mo'y nananatiling
tila palimos sa aba
at ang kabuhayang nilubog sa lupa
-shoe box, maria baleriz
Huwebes, Hulyo 17, 2008
Umit na Sandali
Sa isang saglit
magtatagpong muli
ang mga tingin
(at pagkatapos ng kumustahan)
labi,
katawan
at isipan
ng isa sa isang nakasanayang wala.
Sandaling masusulyapan
(ng mga maksalanan?)
ang langit.
Pakatapos, babalik ang lahat
sa lupa, matatapos din
ang panaginip.
Wala akong pinagsisisihan
(ni inaasahan)
mahal. Alam kong
ang iyong pagdating
ay simula lamang
ng muli mong paglisan.
magtatagpong muli
ang mga tingin
(at pagkatapos ng kumustahan)
labi,
katawan
at isipan
ng isa sa isang nakasanayang wala.
Sandaling masusulyapan
(ng mga maksalanan?)
ang langit.
Pakatapos, babalik ang lahat
sa lupa, matatapos din
ang panaginip.
Wala akong pinagsisisihan
(ni inaasahan)
mahal. Alam kong
ang iyong pagdating
ay simula lamang
ng muli mong paglisan.
kasama
Magkalayo man tayo
Aking mga kasama
Pareho tayong nahaharap
Sa mga pakikibaka.
Ako,
Patuloy na tinutunggali
Nireresolba ang kontradiksyon
Sa pamilya.
Kayo,
Nagsusulong ng matinding kampanya
Laban sa papatinding krisis
Dulot ng lipunang malakolonyal at malapyudal.
Magkaiba man
Sa porma at antas
Ang labang ating kinakaharap,
Tayo’y pinagbibigkis
At lalong pinatatatag
Ng ating mga prinsipyo’t paninindigan.
Magkalayo man tayo
Aking mga kasama,
Hindi natin tuluyang nilisan
Ang piling ng isa’t isa.
-"kasama", Lira
Sabado, Hulyo 5, 2008
Wordplay
There are words for this:
destitution
poverty
beggary
indigence
penury
privation
want
and need.
But there is only one
hope:
resistance.
destitution
poverty
beggary
indigence
penury
privation
want
and need.
But there is only one
hope:
resistance.
kung mapagod kaya ang panulat?
paano nga ba kung hindi na tumatak
ang bawat titik sa mga pahayagan?
at di na din rumihistro ang mga salitang
tila tatong kinahig sa mga pahina
ng mga librong nailimbag?
sa mga kwentong naisulat?
sa mga epikong nilikha?
paano kung magpahinga ng matagal
o habang buhay kaya,
kung may ganoon nga,
ang mga kamay na masipag na naghulma
ng mga debuhong tula?
mga alamat na pininta ng walang sing ganda?
mga awit na nililok gamit ang pinsel at pawis ng mga aba?
o dili kaya wag na talagang humalik sa mga papel
at buuin ang mga liham ng pagsinta?
o maikling mensahe ng kamusta?
paano nga ba?
malalaman mo bang may mga tumatangis na bata
bunga ng kumakalam na sikmura?
malalaman mo bang madalas makipagpatintero
yaong mga palaboy sa lansangan
at ang kanilang kalaro ay mga humahagibis na sasakyan?
malalaman mo bang may nabiktima ng nakawan?
at may nasawi bunga ng away at patayan
dahil sa kahirapan?
malalaman mo kayang may mga proyektong
lagpas ang ginamit na pondo
at pawang napunta lang sa tila buwayang bulsa ng mga pulitiko?
habang nananatiling nakatiwangwang at di pa tapos
lahat ng plinano?
malalaman mo kayang may pang-ilang di-mabilang ng libong tao
ang nawala at pinaslang ng mga bayarang berdugong militar
nitong walang awa at ganid na pamahalaan?
na pinasahol pa ng patuloy na pagkatuta sa mga dayuhan?
malalaman mo kayang may ilang libo o milyon na bata
ang pinagkaitan na naman ng karapatang makapag-aral?
malalaman mo kayang tumaas na naman ang presyo ng langis
at pati presyo ng bigas, gulay, pamasahe
at iba pang pangangailangan mo sa araw-araw?
habang ang sahod ng mga manggagawa, mga empleyado
nananatiling napakababa?
paano nga ba?
paano?
paano kung tumigil na ang pagluha
ng mga plumahe?
mabalitaan mo pa kaya ang mga pangyayari?
mabatid mo pa kayang ikaw
at ikaw
ay hinihintay na sumali?
ang laban ng sambayanan ay hindi nakatali
hindi umiinog
sa mga personalidad
mga pulitiko
mga artista sa pelikula
mga taong may diploma ng pagka-abogasya
pagka-doktor
at iba pang propesyon at katibayan na sila'y may edukasyon
habang ang kalakhan ay wala
at nakatunganga
nakabukas ang bunganga para sa pagkain
at inuming
magtatawid ng gutom at uhaw
ng kanilang sikmura.
PAANO?
iiwan ko ang tanong sa iyo.
at hayaan mong sa puntong ito magpasalamat ako.
sa kanila.
salamat sa hatid mong luha
salamat sa mga pawis
na mula sa iyo'y tila dagtang
humiwalay ng kusa
salamat sa hinagpis
salamat sa iyong pagdurusa
salamat sa paghulma mo sa mga papel
at mga pahina
na layong imulat ang marami para sa pakikibaka
na layong ipaalam sa marami ang tungkol sa digma
na sa kasalukuyan ay sinusulong ng mamamayan
para sa ganap at tunay na paglaya.
salamat.
at hiling ko na sana...
...sana
...huwag kang mapagal sa pagsulat ng mga titik ng kasaysayan.
-piping walang kamay
**salamat kay la rosa negra para sa larawan.
Huwebes, Hulyo 3, 2008
[tula] bahay kubo
bahay kubo
tunay kang munti
kung ikukumpara sa mga
magagarang gusali
at bahay-mansyon
ng mga panginoong ganid
subalit halaman mo'y di na
samu't-sari
monopolyado ka ng mga
dayuhang naghahari
itatanim sa lupa'y kung ano
ang kanilang ibig
at pagbubungkal sa lupa
di tiyak kung magagamit
kalakha'y tila kabuteng
pinag-uusbungan
ng mga kongkretong tahanan
golf course, pabahay
resort, at iba pang
luho lang naman
nitong mga iilang naghahari-harian
na ang masama pa
dahilan bakit maraming maralita
ang nawawalan ng lupa at tirahan
nagpapagala gala sa lansangan
binabawiin ng buhay
at nawawalan ng kabuhayan
nawawalan ng bahay kubo
na kahit munti
yaman mababansagan
pero
ngayon...
wala
wala na
-'bahay kubo', piping walang kamay
tunay kang munti
kung ikukumpara sa mga
magagarang gusali
at bahay-mansyon
ng mga panginoong ganid
subalit halaman mo'y di na
samu't-sari
monopolyado ka ng mga
dayuhang naghahari
itatanim sa lupa'y kung ano
ang kanilang ibig
at pagbubungkal sa lupa
di tiyak kung magagamit
kalakha'y tila kabuteng
pinag-uusbungan
ng mga kongkretong tahanan
golf course, pabahay
resort, at iba pang
luho lang naman
nitong mga iilang naghahari-harian
na ang masama pa
dahilan bakit maraming maralita
ang nawawalan ng lupa at tirahan
nagpapagala gala sa lansangan
binabawiin ng buhay
at nawawalan ng kabuhayan
nawawalan ng bahay kubo
na kahit munti
yaman mababansagan
pero
ngayon...
wala
wala na
-'bahay kubo', piping walang kamay
anino
anino
sa isang sulok ng mga pagbabago
nakita ko ang anino ng di maisantabing nilalang...
bakas ay di alam
kahit marka walang masilayan
sapagkat sa oras na wala na ang ilaw
kahit ang liwanag ng buwan
o maging ang sinag ng kandila sa parang
wala...
naglaho na...
kapara niya...
kapara mo...
matapos ang isang pagkilos
ang isang pagtitipon...
sa mga welga...
sa mga piket...
sa gitna ng walang kapantay na hagupit
tila latigo man ang iyong paglisan...
sa susunod na lang...
sa muling pagkikita ng ating mga anino
sa daan
sa kahit saang lansangan ng pgkilos
kahit maging sa kanayunan
para sa sambayanan!
sa ngayon...
ihihimpil ko ang aking katawan
habang iniisip ang pagpakat sa kinabukasan...
dahil lumalalim na ang gabi...
at namimigat na ang talukap ng mga mata
at ang bibig ko'y kusang bumubukas para sa paghikab niya
at ang mga alitaptap gumagala na naman
at ang hangin ay yumayakap sa akin
iidlip akong isa ka sa iisipin...
hikab...
pikit...
salita:
"...bukas ulit..."
sa sandaling ito at sa aking paghimbing...
"magkita na lang tayo sa aking panaginip..."
sa isang sulok ng mga pagbabago
nakita ko ang anino ng di maisantabing nilalang...
bakas ay di alam
kahit marka walang masilayan
sapagkat sa oras na wala na ang ilaw
kahit ang liwanag ng buwan
o maging ang sinag ng kandila sa parang
wala...
naglaho na...
kapara niya...
kapara mo...
matapos ang isang pagkilos
ang isang pagtitipon...
sa mga welga...
sa mga piket...
sa gitna ng walang kapantay na hagupit
tila latigo man ang iyong paglisan...
sa susunod na lang...
sa muling pagkikita ng ating mga anino
sa daan
sa kahit saang lansangan ng pgkilos
kahit maging sa kanayunan
para sa sambayanan!
sa ngayon...
ihihimpil ko ang aking katawan
habang iniisip ang pagpakat sa kinabukasan...
dahil lumalalim na ang gabi...
at namimigat na ang talukap ng mga mata
at ang bibig ko'y kusang bumubukas para sa paghikab niya
at ang mga alitaptap gumagala na naman
at ang hangin ay yumayakap sa akin
iidlip akong isa ka sa iisipin...
hikab...
pikit...
salita:
"...bukas ulit..."
sa sandaling ito at sa aking paghimbing...
"magkita na lang tayo sa aking panaginip..."
Martes, Hulyo 1, 2008
tahimik ang mga kuliglig
kaiingat ka sa payapang karimlan
lalo't walang kaluskos kang nariringgan
lalo't walang kuliglig na nag-iingay
lalo't ang katahimikan tila sa patay
higit na mapanganib
dapat maging mapagmatyag
talasan ang pandama
pandinig
at mga mata
**ilang pinilas na bahagi.
lalo't walang kaluskos kang nariringgan
lalo't walang kuliglig na nag-iingay
lalo't ang katahimikan tila sa patay
higit na mapanganib
dapat maging mapagmatyag
talasan ang pandama
pandinig
at mga mata
**ilang pinilas na bahagi.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)