Huwebes, Hulyo 3, 2008

[tula] bahay kubo

bahay kubo
tunay kang munti
kung ikukumpara sa mga
magagarang gusali
at bahay-mansyon
ng mga panginoong ganid
subalit halaman mo'y di na
samu't-sari
monopolyado ka ng mga
dayuhang naghahari
itatanim sa lupa'y kung ano
ang kanilang ibig
at pagbubungkal sa lupa
di tiyak kung magagamit
kalakha'y tila kabuteng
pinag-uusbungan
ng mga kongkretong tahanan
golf course, pabahay
resort, at iba pang
luho lang naman
nitong mga iilang naghahari-harian
na ang masama pa
dahilan bakit maraming maralita
ang nawawalan ng lupa at tirahan
nagpapagala gala sa lansangan
binabawiin ng buhay
at nawawalan ng kabuhayan
nawawalan ng bahay kubo
na kahit munti
yaman mababansagan
pero
ngayon...

wala
wala na

-'bahay kubo', piping walang kamay

Walang komento: