Huwebes, Hulyo 3, 2008

anino

anino

sa isang sulok ng mga pagbabago
nakita ko ang anino ng di maisantabing nilalang...
bakas ay di alam
kahit marka walang masilayan
sapagkat sa oras na wala na ang ilaw
kahit ang liwanag ng buwan
o maging ang sinag ng kandila sa parang
wala...
naglaho na...
kapara niya...
kapara mo...
matapos ang isang pagkilos
ang isang pagtitipon...
sa mga welga...
sa mga piket...
sa gitna ng walang kapantay na hagupit
tila latigo man ang iyong paglisan...

sa susunod na lang...
sa muling pagkikita ng ating mga anino
sa daan
sa kahit saang lansangan ng pgkilos
kahit maging sa kanayunan
para sa sambayanan!

sa ngayon...
ihihimpil ko ang aking katawan
habang iniisip ang pagpakat sa kinabukasan...
dahil lumalalim na ang gabi...
at namimigat na ang talukap ng mga mata
at ang bibig ko'y kusang bumubukas para sa paghikab niya
at ang mga alitaptap gumagala na naman
at ang hangin ay yumayakap sa akin
iidlip akong isa ka sa iisipin...

hikab...
pikit...
salita:
"...bukas ulit..."
sa sandaling ito at sa aking paghimbing...
"magkita na lang tayo sa aking panaginip..."

Walang komento: