Sabado, Mayo 31, 2008

kahit ang oras ay nakikibaka...

isa akong estudyante. naninindigan para sa masang inaapi. nais kong lumaya ang sambayanan. natural mula sa kahirapan. at pagsasamantala. ibig kong lumikha ng tula. kung wala rin lang akong ginagawa. wala akong materyal na yamang m,aipagmamalaki. ang meron lang ako'y panulat. at kapirasong utak na malapit nang masaid sa salat. mali. sumabog at sumambulat. unti unti nauubos. sapagkat palaging nagagamit. sa pag-iisip. ng mga bagay na walang katuturan. kung ano lang ang maisipan. kahit ibenta. kilohin man wala pa rin itong halaga. mangarap. maglibang. libre naman. katulad ng pangarap kong dampa sa taas ng puno ko ito idadambana. upang sa gayon. makita ko ang malawak na kapaligiran. luntian dahon. pag-awit ng mga ibon. aking mapakinggan. makupad na pagkilos ng mga higad. hanggang sa makita ko. at masaksihan. ang pagpapalit anyo niya. sa isang magandang mariposa. sapot sa mga sanga.ilang piraso ng mga gagamba. ilan ito sa mga nagbibigay ng tuwa. at saya. ng ngiti. sa pusong may pangamba. ang paglapag sa lupa. ng mga dahong lanta. kumupas. akala mo hinambalos. tila nilatigo upang sa puno humulagpos. at sa pagbagsak nitong kapara ng balahibo ng ibon. kasabay ba lumalatag ang dilim. kinakain ng takipsilim ang naabot ng paningin. sa gabing paparating ako'y may sipleng hiling. ang nahiga sa damuhan kasama ka. habang tinatanaw natin ang mga bituin. mga talang nakalatag sa kalangitan. na mula pagkabata pangarap ko ng mahawakan. sandali. hiling ko din na may magbitbit ng gitara. upang kahit papaano'y lilikha tayo ng musika. mayroong tugtog. ilang kakanta. may sisipol na tila nanghaharana. eto nga. ganito. kahit abutin ng umaga. kasama ng masa: ikaw. ako. sila. tayo-tayo. magsasama-sama. may ngiti sa mga mata. simple lang ang dahilan. sapgkat tayo'y malaya na...

Walang komento: