Biyernes, Abril 11, 2008

para sayo

maraming salamat sa napakarikit na ngiti
bawat pagkakataong gumuguhit sayong labi
maraming salamat sa maningning mong mga mata
pakiramdam ko ngayon bumaba ang mga estrelya
bawat hibla ng iyong magandang buhok
hindi pagsasawaang haplusin kahit hanggang pagtulog
tuwing kasama ka parang walang problema
nagdiriwang ang mga ibon sa bawat sanga
may kung anong saya akong nadarama
salamat na lamang at nariyan ka
ang buong paligid tila puno ng bahaghari
hiling ko tuloy sana tuwa'y laging maghari

1 komento:

cielo ayon kay ...

mads, lab mowd ka a! hehehe... napaan lang, sori di ako nakakareply, nagpapahinga kasi ako ngayong linggo.. hehe