Sabado, Mayo 31, 2008

paglaban

Walang komento:
ang haligi mong simula't sapul na nakagisnan
marupok na lawani't at plywood na natatabingan
pinagtagpi-tagping sako na karukhaan
sahig ninyong madalas kumakalinga sa pagal
na katawan bunga ng buong araw na
pagbubungkal ng pantapal sa sikmurang kumakalam

kanal na pinupugaran ng mga lamok at langaw
at sakit at burak. na tinakluban
lang ng kahoy na papag at madupok na kawayan
bubungan ninyong lata hayun at kinakalawang
at ang kawal ninyo'y yayat na si bantay
na binundat ang tiyan sa mga nakalkal sa basurahan

ito ang munting kahariang nanganganib pang mawala
sa banta ng bagyo sa papalapit na tag-ulan
at sa nakaambang DEMOLISYON ng gobyernong
kailanma'y di naglingkod sa mamamayan
akala mo'y hayop ang pinaaalis sa lupang kinatitirikan
ng payak na barung-barong na aming himlayan.

matamang tinatanaw ang sinag ng araw
na sa umaga'y naglalagos sa butas ng
kinakalawang na bubungan
at habang ginagawa mong mataimtim 'yan
marahang nagtitipon ang kirot
ng mga bulate sa kumakalam na tiyan

kasabay na umaalingaw-ngaw
ang musika ng pag-atungal
ng sanggol mong kapatid na nasa higaan
habang mga kapitbahay mo'y nagsisigawan
umuulan ng mura sa di kalayuan
upang ipaabot sa mga naglalanguyang bata sa kanal

ito ang kulturang malapit ng kayo'y maumay
malapit na ninyong pagsawaang pagsaluhan
na magkakapamaliya sa araw araw
magkokumonyon ka pa ng sermon
mula sa poot ng aburido mong ina
na tuliro na sa pasan-pasang mga problema

ibig mong lumuha at humiyaw
sa abang kalagayang sa inyo'y nagpala
at animo'y pilat na di mawala-wala
lalo na ng pumanaw ang isa sa iyong kapitbahay
sa isang pampublikong ospital kung
saan siya sinikap mairatay

nagdurugo ang puso mo dulot ng pagkahabag
'pagkat nakita mo ang kalunos-lunos na
sitwasyon 'di lang ng kapitbahay mo't kaibigan
tumambad sa iyo ang busabos na kapalaran
ng marami pang uring anakpawis na
nag-aabang ng swerteng mapagbigyan

pumanaw siyang di man lang natikman
ang higaan doon sa pagamutang pinagdalhan
na hangad ninyong magsasalba ng buhay at karamdaman
tumatangis ang kalooban habang naglalagalag
sa loob ng ospital na inyong pinagdalhan
mga pasyente'y sisksikang tila mga sardinas sa de lata

pagbalik mo'y baun-baon ang masaklap na karanasan
mapait na katotohanan sa gitna ng pagpanaw
nang maliliit nagpipyesta ang mga ganid
bumalik ka sa kanlungan mong iisa ang nasa isip
saklot ka ng poot at labis na hinanakit
at itinanim sa isip na di na dapat yaon maulit

ang alipatong naligaw sa iyong gunamgunam
ngayo'y nagbabaga na't sinisilaban ang isipan
at ang apoy na nilikha sa mata mo'y masisilayan
wala na ngang pag-aalinlangan ang iyong
kapasyahan na mag-ambag sa pagbabago
at panglipunang kaayusan

ang busal sa bibig at pambara sa tenga
ng mga sakim na panginoon at
walang pusong mga imperyalista
inaalis na ngayon at naghahanda sa pagtirada
pagkilos ay kinakasa upang gulantangin
silang mga nagpapahirap sa malawak na masa

ang araw ay pupula at pula ang hahasik
sa lupang yaman na inagaw nilang pilit
lalahok na sa pakikibaka ang mga hinog ng bisig
at ang isip na ngayon namumulat na sa paghihimagsik
mag-aambag na buong giting ikaw at ikaw din
ang kasamang binubusabos at sa gutom na tinitiis
ang magbibigay laya sa uring inaamis

lalagutin ng maso, ng karit, at ng punglo
ng pagsasamantala at pagkaaliping ipinako
at nasisiguro na ang pagluhod ng uring nagpasimuno
ng pambubusabos
ang sambayanan ngayo'y kumikilos
para sa ganap na hustisya
kahirapang hinahambalos ng mga dayuhan
silang walang inatupag kundi pambubusabos
masa at masa ang kikilos
ang maso, ang karit, at ang punglo
ang tatapos



++di pa tapos talaga pero hinihikayat na magbagsak ng komento/kritika. salamat

strangers again

Walang komento:
nights we're not the same
colder than ever
twilight passes monotonously
every time i close my eyes
sadness embraces me
and even if i open them
to see light
all i see is the absence of it
i'm alone
it seems that no one cares
none of you

caressed me more than what i did
more so of what i can give

where are you?
why do we have to end this way?

it seems like yesterday
we're like walking through rainbows
and clouds
so full of hue
stars are there to light our path
everything around us
never ending garden and myriad leaves
numerous flowers and trees
countless birds singing

now everything is gone
a part of our past
viewed in dreams

cause here we are
me and you
...strangers again

as i write this lines

Walang komento:
as i write this one
i close my eyes
reminisce about the past
the things we usually do
those times I feel sorry
for causing a tear to drop
from thy own thine eyes
moments that feels like
we’re walking on clouds
how I yearn to touch the rainbow
hold their sparkling colors
and offer them to you
as different flowers falling like rain
being showered unto us while
we’re walking holding hands
and I pronise never ti let go
…of you
Not until you ask me to
While I write this lines
I slowly open my eyes
To see light
Witness your splendid-ness
However, what I have is darkness
Twilight that envelops my world
Mourning with lunar dust
It seems that my fate
Was scrawled in the dark sky
The live I seek would never come
I will never find
And as I write this sad lines
Its thee I think of

anonymous

Walang komento:
i died
yesterday
but no one cared
placidly the corpse of my past i buried
now is renaissance
a period in my existence
in my history
where all the songs
that i have written
to vanished abuse in the future
may be vague
but as i carefully hold the canvass
and skillfully scrawl the brush
amid the alacrity and mortification
the deem future now has develop
i discarded the cynical share
of my being
the masses are waiting:
in need.
on distress.
in chaos.
they are portraits of broken dreams...

kahit ang oras ay nakikibaka...

Walang komento:
isa akong estudyante. naninindigan para sa masang inaapi. nais kong lumaya ang sambayanan. natural mula sa kahirapan. at pagsasamantala. ibig kong lumikha ng tula. kung wala rin lang akong ginagawa. wala akong materyal na yamang m,aipagmamalaki. ang meron lang ako'y panulat. at kapirasong utak na malapit nang masaid sa salat. mali. sumabog at sumambulat. unti unti nauubos. sapagkat palaging nagagamit. sa pag-iisip. ng mga bagay na walang katuturan. kung ano lang ang maisipan. kahit ibenta. kilohin man wala pa rin itong halaga. mangarap. maglibang. libre naman. katulad ng pangarap kong dampa sa taas ng puno ko ito idadambana. upang sa gayon. makita ko ang malawak na kapaligiran. luntian dahon. pag-awit ng mga ibon. aking mapakinggan. makupad na pagkilos ng mga higad. hanggang sa makita ko. at masaksihan. ang pagpapalit anyo niya. sa isang magandang mariposa. sapot sa mga sanga.ilang piraso ng mga gagamba. ilan ito sa mga nagbibigay ng tuwa. at saya. ng ngiti. sa pusong may pangamba. ang paglapag sa lupa. ng mga dahong lanta. kumupas. akala mo hinambalos. tila nilatigo upang sa puno humulagpos. at sa pagbagsak nitong kapara ng balahibo ng ibon. kasabay ba lumalatag ang dilim. kinakain ng takipsilim ang naabot ng paningin. sa gabing paparating ako'y may sipleng hiling. ang nahiga sa damuhan kasama ka. habang tinatanaw natin ang mga bituin. mga talang nakalatag sa kalangitan. na mula pagkabata pangarap ko ng mahawakan. sandali. hiling ko din na may magbitbit ng gitara. upang kahit papaano'y lilikha tayo ng musika. mayroong tugtog. ilang kakanta. may sisipol na tila nanghaharana. eto nga. ganito. kahit abutin ng umaga. kasama ng masa: ikaw. ako. sila. tayo-tayo. magsasama-sama. may ngiti sa mga mata. simple lang ang dahilan. sapgkat tayo'y malaya na...

‘KAKA’*

Walang komento:
‘KAKA’
ni Noel Sales Barcelona

Para sa alaala ni Anakpawis Rep. Crispin “Ka Bel” Beltran
(Enero 7, 1933 – Mayo 20, 2008)

Nang bagong aktibista pa lamang ako
Laging sinasabi ang mga katagang
Simpleng pamumuhay, puspusang pakikibaka.

Hindi matalos ng isip
Ang kahulugan ng mga kataga
Hanggang makilala kita.

‘Di man nagkasama nang matagal
Ngunit sa pakiramdam—
Matagal na kitang nakakatalamitam:

Sa tuwing makikipag-usap sa maralitang tagalungsod
Sa tuwing makakarinig ng taghoy ng batang walang malamon
Sa tuwing dumaragsa sa lungsod ang biktima ng militarisasyon
Sa tuwing ang sinasabi ng magbubukid lupa niya’y kinumpiska ng poon.
Sa tuwing mauulinig ang yabag ng libu-libong paa sa tuwing mobilisasyon.

Nakikita ko ang pagiging tunay mo
Sa tuwing naririnig ang talumpati
Ng mga pulitikong nagpapakabundat
Sa pera ng publiko.

Magkano nga lamang ba ang kabuuang
Halaga ng mga pag-aari mo, ha
Kakang Crispin? Wala pa yatang P60,000.

Bakit? Gayong tatlong taon
Ang pananatili mo sa bahay ng mga poon?
Isa lamang ang sagot, Kakang Crispin:

Hindi mo magawang nakawan
Ang katulad mong walang-wala rin.
Ang katulad mong busabos din.

Ginto kasi ang puso mo
Busilak gaya ng langit
Sa tuwing sisikat ang araw.

Naalaala ko tuloy sa iyo
Ang tula ni Bonifacio
Gaya mong proletaryado:

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinub’ang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Ulit-ulitin mang basahin ng isip
At isa-isahing talastasing pilit
Ang salita’t buhay na limbag at titik
Ng sangkatauhan ito’y namamasid.

Banal na pag-ibig! Pag ikaw ang nukal
Sa tapat na puso ng sino’t alinman,
Imbi’t taong-gubat, maralita’t mangmang,
Nagiging dakila at iginagalang.

Pagpupuring lubos ang palaging hangad
Sa bayan ng taong may dangal na ingat;
Umawit, tumula, kumatha’t sumulat,
Kalakhan din niya’y isinisiwalat.

Walang mahalagang hindi inihandog
Ng may pusong mahal sa Bayang kumupkop;
Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,
Buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.

Bakit? Alin ito na sakdal nang laki
Na hinahandugan ng buong pagkasi?
Na sa lalong mahal nakapangyayari
At ginugugulan ng buhay na iwi?

Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,
Siya’y ina’t tangi na kinamulatan
Ng kawili-wiling liwanag ng araw
Na nagbigay-init sa lunong katawan

Sa kaniya’y utang ang unang pagtanggap
Ng simoy ng hanging nagbigay-lunas
Sa inis na puso na sisinghap-singhap
Sa balong malalim ng siphayo’t hirap.

Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan
Ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal
Mula sa masaya’t gasong kasanggulan
Hangang sa katawa’y mapasalibingan.

Ang nangakarang panahon ng aliw
Ang inaasahang araw na darating
Ng pagkatimawa ng mga alipin,
Liban pa sa bayan saan tatanghalin?

At ang balang kahoy at ang balang sanga
Na parang niya’t gubat na kaaya-aya,
Sukat ang makita’t sasaalaala
Ang ina’t ang giliw, lumipas na saya.

Tubig niyang malinaw na anaki’y bubog,
Bukal sa batisang nagkalat sa bundok,
Malambot na huni ng matuling agos,
Na nakaaaliw sa pusong may lungkot.

Sa aba ng abang mawalay sa Bayan!
Gunita may laging sakbibi ng lumbay.
Walang alaala’t inaasam-asam
Kundi ang makita’y lupang tinubuan.

Pati ng magdusa’t sampung kamatayan
Wari ay masarap kung dahil sa Bayan
At lalong maghirap, O! himalang bagay,
Lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.

Kung ang bayang ito’y nasasapanganib
At siya ay dapat ipagtangkilik
Ang anak, asawa, magulang, kapatid
Isang tawag niya’y tatalikdang pilit.

Datapwat kung ang bayan ng Katagalugan
Ay linapastangan at niyuyurakan
Katuwiran, puri niya’t kamahalan
Ang sama ng lilong taga-ibang bayan.

Di gaano kaya ang paghihinagpis
Ng pusong Tagalog sa puring nilait?
Aling kalooban na lalong tahimik
Ang di pupukawin sa paghihimagsik?

Saan magbubuhat ang paghihinay
Sa paghihiganti’t gumugol sa buhay
Kung wala ding iba na kasasadlakan
Kundi ang lugami sa kaalipinan?

Kung ang pagkabaon niya’t pagkabusabos
Sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop
Supil ng paghampas, tanikalang gapos
At luha na lamang ang pinaaagos?

Sa kaniyang anyo’y sino ang tutunghay
Na di aakayin sa gawang magdamdam?
Pusong naglilipak sa pagkasukaban
Ang di gumugol ng dugo at buhay.

Mangyayari kaya na ito’y malangap
Ng mga Tagalog at hindi lumingap
Sa naghihingalong Inang nasa yapak
Na kasuklam-suklam sa Kastilang hamak?

Nasaan ang dangal ng mga Tagalog?
Nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
Baya’y inaapi, bakit di kumilos
At natitilihang ito’y mapanood?

Hayo na nga kayo, kayong nangabuhay
Sa pag-asang lubos na kaginhawaan
At walang tinamo kundi kapaitan
Hayo na’t ibigin ang naaabang bayan.

Kayong natuy’an na sa kapapasakit
Ng dakilang hangad sa batis ng dibdib
Muling pabalungi’t tunay na pag-ibig
Kusang ibulalas sa Bayang piniit.

Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
Kahoy n’yaring buhay na nilanta’t sukat
Ng bala-balakit makapal na hirap
Muling manariwa’t sa Baya’y lumiyag.

Kayong mga pusong kusang [niyurakan]
Ng daya at bagsik ng ganid na asal,
Ngayon ay magbango’t Baya’y itangkakal
Agawin sa kuko ng mga sukaban.

Kayong mga dukhang walang tanging [palad]
Kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap
Ampunin ang Bayan kung nasa ay lunas
Pagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.

Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig,
Hangang sa may dugo’y ubusing itigis,
Kung sa pagtatanggol buhay ay [mapatid]
Ito’y kapalaran at tunay na langit.

Kaya nga, Kaka,
Hindi namin malilumutan
Bawat guhit ng iyong mukha
Laluna, iyong kaisipan mong
Singlantay ng gintong binuli
Nang dekadekada mong pakikibaka.

Hindi kami tutugot
Lalaban kami, hanggang hininga’y malagot—
Hanggang ang rohong bukas, ay ating maabot!



*ipinaskil ng may akda. isang mahusay na likha. para kay ka bel.

marahas

Walang komento:
kawal kang pinaghuhusay ng pagpapanibagong hubo
pinapanday ng tunggaliang walang takot mong sinuong
ang pag-unlad mo sa gawain hindi tadhana ang nagtakda
kundi ikaw ang salik na kumilos ang naging mapagpasya
sapagkat ito ang landas na tinatahak nating mga rebolsuyonaryo
masalimuot at di normal sa naisulat ng karanasan sa burges na punto

bahaghari

Walang komento:
nakita ko iyong nais kong ibigay sayo
at hayaan mong iguhit ko sa iyong gunita
walang matingkad na pambalot
na maaaring umantig
sa iyong interes at damdamin
subalit natitiyak kong mahuhumaling ka
sa kariktang angkin-angkin

bahagharing gumuguhit
sa himpapawid ng pakikibaka
umaalon ang awit ng damdaming binusog
ng 'sanglibo't isang kulay ng pagdurusa
subalit sa namamalas mong larawan 'di malalagpasan
na may nagpunyaging paglaban
sa masalimuot na digmaan

Huwebes, Mayo 29, 2008

marubdob ang nagdaang takipsilim

1 komento:
kasabay ng mga patak ng ulan
'di ko namalayan ang kariktan
na hatid ng bukangliwayway
inanod na ng mga luha ang
huling pamamaalam

at ito nga ang katunayan
na wala ng tigil
walang dahilan para huminto
sapagkat hindi naman tumigil
ang pagsasamantala
sapagkat hindi din ito nais ng
dakila nating kasama
ang paglisan niya ay di tunay
na pagkawala
bagkus ibayo pang pagpupunyagi
na maglingkod at ipagtagumpayan
ang laban ng sambayanan

sapagkat kapara ng normal
na nakagawian
mula sa tila tahimik na sandali
na hatid ng pusikit na gabi
unti-unti tumitipon ang musika ng paligid:

bosina ng sasakyan
ugong ng makina
sagitsit ng preno
at samu't saring iba pa

mga tunog na pinagsama-sama
upang magbigay galang at pagpupugay
sa paglisan ng
isang dating taxi driver ng masa
isang matapat na gasoline boy
isang dakilang lider-manggagawa
isang kapita-pitagang

...ama ...lolo ...kasama

isang huwarang rebolusyonaryong
hanggang huling hininga
matapat na naglingkod sa masa!

'sunken'

1 komento:
kay ganda at kay yabong ng iyong
luntiang paligid at anyo

may damdaming di maipaliwanag
ang hatid sa puso

at isang pangarap na sa
tuwina'y pinananabikan ko

kasabay ng langit na tumatangis
ay lumuluha akong totoo

upang ikubli 'di lang sa kagandahan mo
ang mga hinagpis at luha

kundi maging sa tinatangi ng
puso kong lipos na hinala

hinala na marahil
iniibig ko na nga siya

hinala na marahil siya
at siya ang ibig ko na makasama

hindi man sa tabi ko
kung hindi kasama at kasabay
kahit magkalayo sa bisig na isa't-isa
at tinitiis ang lamig ng gabi

o di man maghinang ang mga uhaw
na labi sa nasasabik na sandali
ang mahalaga naman
dahil tunay kaming umiibig

kapiling natin ang masa at matapat
na naglilingkod para sa pagmamahal
natin sa kanila at sa tunay na paglaya...

Linggo, Mayo 25, 2008

iguguhit namin ang Obra mo

Walang komento:
itatabi ko muna ang sandaling ito
alam kong di ko mapipigil ang pagpatak ng luha
mula sa mata kong matagal na panahong
'di na masisilayang nagmamartsa ang isang dakilang
lider-manggagawa

iluluha ko ang sakit
at maging ang pait ng iyong pagkawala
subalit hindi ang aral mo't laban
na masikap na isinulong
tunay kang nagpunyagi at tumindig
sapagkat maging sa huling sandali
tangan mo'y armas ng paggawa
na di kailanman mabubura sa aming gunita

salamat
at alam kong kahit ang ganoong salita
di makakasapat upang isatinig
kung gaano ka kadakila
ang totoo ibig ko ang magwala
ang mag-hysterical ika nga
pero alam kong di mo ipahihintulot
na magkaganoon
mas nanaisin mo sa halip
na magpatuloy kami sa pakikibaka
patuloy sa paglaban para sa pagkamit ng hustisya
para sa sambayanang minahal mo
ng higit sa sarili at kahit sa pamilya

huwaran ka Ka Bel.
at kapos ang salitang nalikha ng tao
upang iguhit ko ito at ipaalam sa pinaka-iibig mo
pero sa payak na pagkilos
para sa paglaya ng sambayanang binubusabos
alam kong magkakamukha ang tunay na ikaw
sa gawi ng proletaryado mahusay mong
isinabuhay
at ang ikaw ay wala na nga marahil
makakapantay.

dadaluyong ang paglaban
ang paglaban mo at ng sambayanan
Ka Bel bibigyan namin ng larawan
ang mga pangarap mo para sa sambayanan!

-maria baleriz

*isa sa mga tulang nilikha ng may akda para sa dakilang lider-manggagawa at militanteng mambabatas na si Ka Crispin "Ka Bel" Beltran.

pagpupugay Ka Bel! Itutuloy namin ang iyong Laban. Itutuloy namin hanggang tagumpay!

gayuma

Walang komento:
'wag mo akong gayumahin
sa karanasang nakalahok sa iyong awit
'wag mo akong gayumahin
sa digmaang nilangkap sa mga parapo ng iyong epiko
'wag mo akong gayumahin
ng iyong matalinghagang mga titik
sapat na sa akin ang kwento ng paglaban
para sa paglaya
iyong nagsasalaysay ng pagsibol
ng kabayanihan ng sambayanan

-"gayuma" ni piping walang kamay

Sabado, Mayo 24, 2008

burol

Walang komento:
"labis ang hinagpis ngayo'y lumukob sa atin..
samu't saring damdaming pumailanlang sa hangin
awit mong tinotono pagluha ang niluluwal
at sa marubdob na pagpatak tila ibig mong magpatiwakal
tanganan natin ang kanyang mga aral
na sumibol mula sa mayaman niyang karanasan
sulong pa din sa pakikipaglaban!
...para kay Ka Bel at sa Mamamayan!"


-"burol" ni maria baleriz

Biyernes, Mayo 23, 2008

silayan

Walang komento:
kay buti ng umaga na muling sumilip sa mamamayan
at sa pag-awit ng langay-langayan
kasabay niyang hinihele ang pagdadalamhati
upang magbigay laya sa pakikibakang
hatid ng pang-aalipusta
ng mga dayuhang sagadsagarin sa pagsasamantala

lumipad ka o langay-langayan
at awitin ang himig na magpapasayaw
sa lahat ng inaamis tungo sa paglaban
ibuka mo at ikampay ang iyong pakpak
at pumailanlang sa kalayaang
hatid ng bughaw na kalangitan

kay ganda ng umaga huwag mong tanggihan
kay rikit ng langit huwag mong taguan

Huwebes, Mayo 22, 2008

sapagkat siya ay si Ka Bel*

Walang komento:
sapagkat siya ay si Ka Bel

simple. simple. simple

hayaan ninyong sa ganoong kataga
aking simulang iguhit ang kanayng imahe

payak siyang tunay
sapagkat ang kayamanan niya'y hindi ang pera
kundi ang masa, ang masa at ang masa
dahil maging ang kanyang pamilya:
ang butihin niyang may bahay
mga anak
mga apo
ang kanyang dakilang ama at ina
mga tiyo at tiya
mga kapatid
ay bahagi ng sambayanan
ng masang lubos niyang pinaglilingkuran

ang kayamanan niya ay ang masa
kung nasaan ang samu't saring
uri na nagpanday sa kanay
hanggang sa mahubog ang dakilang siya
ang mga manggagawa
ang mga magsasaka
ang mga kabataan
ang mga kababaihan
ang mga katutubo
ang mga maralita
sa lungsod at kanayunan
ang sambayanang lumalaban

sapagkat ang kayamanan niya
kung iyong hinahanap
natitiyak kong ikagugulat mo't
ibayong paghanga pa ang sa iyo'y haharap:

dalawang barong tagalog
isang pares ng salamin sa mata
aparador at ang ilang mga kamiseta
ito ang yamang mayroon siya

hindi siya nabuhay sa luho ng mundo
bagkus sumibol siya para sa pakikibaka
at pagbabago
na upang mabuhay ka
'di ito para sa pansariling gusto
kundi sa pagsuong sa hirap at sakripisyo
at pagtindig kahit sa kuko ng kamatayan
para maglingkod sa paglaya ng sambayanang
binubusabos ng mga dayuhang
ganid sa yaman

simple simple simple

hayaan ninyong sa ganyang kataga ko
ilarawan ang huling paglalapat ko
ng sangkap na magpapatingkad ng obra maestrang
sambayanan din ang humubog.

si Ka Bel.
ganyan humigit kumulang.
huwaran.
militante.
para sa kanyang pamilya.
sa mga kaibigan.
...mga kasama.

sa masa.
sa rebolusyon.


-maria baleriz


*binigkas noong gabi ng parangal, ika-22 ng Mayo, ng sektor ng kabataan para kay ka Crispin "Ka Bel" Beltran.

Miyerkules, Mayo 21, 2008

lumuluha ang akda

Walang komento:
titik ng pagsinta at wagas na pagtatangi
na sumibol sa panahong nagtutunggalian ang mga uri
panahong maigting ang paglaban at pagkamuhi
para pagtagumpayan ang digma at kalayaan mabawi
sa kuko ng mapagsamantala kailangang agawin
ang pagbati ng mailap na yamang inangkin
kung saan nagpapakasasa ang mga dayuhang sakim

-maria baleriz

kanser

Walang komento:
ito ang kanser ng lipunan
naglalakad pero mistulang bangkay
yayat ang katawan at kaharian ay guray-guray
ito ang kanser ng lipunan
nakikita mo nang inaagaw sayong harap
ang yaman mong ninunoi mo pa ang naghirap
subalit di ka man lang napopoot
sa mga magnanakaw na dayuhan
at panginoong salot
kailan pa nga ba ikaw ay kikilos
agapan mo't ng sakit agad magamot
bago pa tuluyang sayo
at bumilang na lang ng buwan ang pagpanaw mo
dagli-daglian mo
at baka pagtangis ang duluhin
ng mahal na bayan nating ito

kakatasin ko sa 'king mga akda

Walang komento:
sapagkat wala ng higit
na dakilang kwentong
maaaring maisulat
kundi ang kasaysaya't
karanasan ng sambayan
na siyang hamon sa
lahat ng dakilang manunulat


-maria baleriz

sagutin mo ng pagkilos

Walang komento:
baket ka nga ba nalulungkot
sa pagbuhos ng ulan?
baket ka nga ba napopoot
sa marahas na pagpatak?
samantalang sa bawat dugong dumadanak
halos wala kang pakialam sa nagaganap
kailan ka ba magpupuyos sa galit?
kapag ba anak o ina o ama mo na
ang umaawit?
at tumotono ng musika ng paghihinagpis
bunga ng sakit?
kailan ka pa magbabalikwas
at lalahok sa pakikibaka?
kapag ba kapatid o kaibigan o minamahal mo na
ang maglaho?
at sa isang iglap walang paalam na sa kawalan hahalo?

-maria baleriz

Linggo, Mayo 18, 2008

dahilan

Walang komento:
may ilang kalituhan sa aking isip
ang kamakaila'y saglit na umistambay
at nagdulot ng usapin sa pagkilos
na mula't sapol sadyang
sa sambayanan na inalay

matapos naman ang masalimuot, ika nga,
na animo'y pagdaan sa butas ng karayom
bunga ng malupit na tunggalian
sa prinsipyong ipinaglalaban
at sa burges na kaisipang
pilit sumusuot sa utak kong
buryong na ata sanhi ng pagod
at hirap
matagumpay naman nalinaw
ang mga agam-agam

mula doon napagtanto nitong sarili
higit pang tumibay bakit nga
ba hanggang sa mga sandaling
tulad nito't gumagabi
ang dahilan ko'y lagi't lagi
ang masa din talaga
at itong binabatang damdamin

ikaw at ikaw din ang dahilan
kung bakit gusto ko pang makita
ang bughaw na kalangitan
kung bakit ibig abutin
ang pagbubukangliwayway
at unahan ang lahat sa kagandahang masisilay
sapagkat di ko din batid ang kinabukasan
kung ikaw pa ba ang dahilan bakit ako lilisan
upang tanganan pang mas mahigpit ang armadong paglaban

ngayong kong tatanungin mo ako
bakit magulo ang aking isip
sasagutin kita ngayon
at ngayon din
yaong mga panahong yaon
bahagi na lang ng kasaysayan
at masaya ng lumalangoy
sa dagat ng nakaraan
sapagkat ngayon aking natitiyak
kasama ang sambayanan,
ikaw at ang rebolusyon
ang aking dahilan

-maria baleriz

lalakbayin nating magkasama

Walang komento:
sa paglalakbay ng aking pluma sa mga talulot at dahon
sa mga pahina ng mga aklat at papel na sulatan
hangad kong makasabay
ang iba pang makata din naman
dito sa digmaang tayo at tayo din
ang mga magigiting na kawal
armas nati'y panulat ng masang
di kailanman paiiwan
di kailanman magagapi
at sana
sana
makasama ko din ikaw
doon sa tunguhing pakikibaka
gamit ang armas ng pag-ibig natin
para sa bayan
para sa sambayanan
at para sa isa't-isa

-maria baleriz

kung isusulat ko ang pagmamahal

Walang komento:
"..kung isusulat ko naman ang pagmamahal
ito ay hindi ang mga palitan
ng sulat nang nagliligawan
kundi ang pag-ukit ng mga titik
sa mga akda ng makata
na tinipon at hinanay
upang ipagsanib
sa pakikibaka ng sambayanan.."

-maria baleriz

+metamorposis+**

Walang komento:
alam kong marami kang iniisip
sa dahon o talulot ng bulaklak
may tunggaliang maapuhap
kaya bakit ka mangangamba
kung ang sandali ay
makulimlim ang pag-asa
mas lalong kariktan
ang masisilay mong talaga
pagkatapos ng mga laban
at kontradiksyong makakasalamuha
ang paru-paru naman ganoon
din ang nagpala
bago mo masumpungan ang matingkad
na kulay niyang tangan
masalimuot na hirap ang kanyang dinaanan
mula sa pagiging higad
hanggang sa maikulong
sa cocoon ng ilang panahon
tiniis niya hanggang
tuluyang sumibol sa pagiging
isang ganap na makulay
na paru-paro

walang sing ganda
walang sing laya ng
ngayon ay pumapailanlang

sumusulong sa himpapawid
di alintana ang panganib
pagkat batid niyang
may gampaning dapat ihatid
sa lipunang nagluwal sa kanya
at nagpanday

ikaw man ay walang pinag-iba
kapara ng paru-paro
o ng marikit na mariposa
suungin mo ang hirap at pangamba
kahit ang panganib ng kamatayan
di dapat inaalintana
maglingkod ka sa sambayanang
animo walang bukas nang liliparan
o dadapuan
at mula doon abutin mo ang
nilalayong bulaklak ng tagumpay
at ang ganap na paglaya
para sa mamamayang
binubusabos ng sistema


**+metamorposis+ - ibig sabihin ay pagpapalit anyo.

isa ka ng ganap na Babae

Walang komento:
hindi man natin nasaksihan
kung paano sya umaatungal
tuwing nagugutom o naghahanap ng pansin
kung paano napunit ang matatamis na ngiti
sa napakagandang mukha
noong sanggol siya't
inihehele pa ng mapag-arugang kamay
ng kanyang ina at ama
nakakalugod at nabigyan tayo
ng pagkakataon na makilala siya

salamat.
sa isang simpleng kasama.
huwarang...
anak
kapatid
pinsan
pamangkin
apo
kaibigan
kamag-anak
lider

...rebolusyonaryo

ang kanyang pagkalalang ay isa sa pinakamagandang
kasaysayan na di mo pagsasawaang mabasa
ang kanyang pagkatao ay isang tula:
malalim
matalinghaga
hitik sa isang libo't
'sang laksang mga salita
mga kataga
mga linya

mga pahayag
ng pakikibaka
ng inspirasyon

nakasimangot kapag nalulungkot
lumuluha kapag nasasaktan
at naantig ang damdamin
niyang likas na mapagkalinga
ngumingiti at humahagalpak
ng tawa kapag maligaya
kapag nakanti natin ang
masiyahin niyang pagkatao

mabait, mapag-aruga, masiyahin

maraming salita pa ang maaari nating maisip
upang isalarawam ang mga katangiang
iguguhit ang tunay na siya
humigit kumulang siya
mga salitang magaganda
at maging panget ay mainam din naman
sapagkat siya ay taong may kahinaan

marami pa
at di sasapat na
isalarawan siya sa isang salita
at sa araw ng pagkalalang sa iyo
isa ka ng ganap na Babae
isigaw mo sa buong mundo...


-maria baleriz

*tulang nilikha para sa ika-18 taong kaarawan ng isang kasamang tunay at tapat na naglilingkod sa sambayanan. para sayo kasamang Cela

Sabado, Mayo 17, 2008

paghihiwalay

Walang komento:
hindi akma ang paalam
pagkat natatalos kong magkikita
pa tayo sa krus na daan
kung saan magtatagpo ang ikaw
at ako sa ating paninindigan
at maging ang ating pusong
lipos ng pagmamahal
hahanapin ang isa't-isa
sa mga labing nasasabik maghinang
at naniniwala akong ilang panahon
mula sa kasalukuyan
matatagpuan natin ang mga bisig
nating magkayapos ng buong higpit
na tila ba takot na muling
magkawalay sa mapagkalingang kanlungan
na isa't-isa
di pa man ako'y nasasabik
pero sa ngayon kailangan nating
lisan ang isa't-isa
para pag-ibayuhin pa ang
paglilingkod
sa marahas na paglabang
ating sinumpaang
buong buhay na isusulong at pagtatagumpayan
para sa sambayanang
buong sakdal nating minamahal

-maria baleriz

pultaym

Walang komento:
..nanginginig sa gutom ang abang kalagayan
'epti' kasi sa pagkilos at paglaban
kay hirap ng sinusuong pero pasulong pa din ang tanaw
pagtalima pa din sa mulat na kahandaan
na ang hirap, sakripisyo't kamatayan
bahagi lang ng ating pakikibaka
sa mithiing paglaya
kaya nating lagpasan
lahat ng agam-agam kasama
isipin mo lang palagi
ang pinaglilingkurang masa..

-maria baleriz

Biyernes, Mayo 16, 2008

titik at pinsel

Walang komento:
"...at binaybay ng pluma ang dahon ng mirasol
nililok ang karanasan ng mga uring nagtatanggol
hinabi ang mga titik at salita
ng ilang daang taong pakikibaka
mga parirala
mga pangungusap
mga talata
mga sanaysay
mga kwento
at mga tula
na kahit pa nga balot ng talinghaga
agad nating nauunawa
sapagkat binibigkis ng iisang wika ang nadarama
kubkob tayo ng hirap ng pagsasamantala
kung kaya kagyat na natatalos ang kahulugan
ang diwa
ang ibig ipadama..."

agwat ang pagitan

Walang komento:
ito ang ating tinatahak
malayo man ang ating agwat
kapiling mo man ay mga kulisap
mga niknik, mga puno at mga alitaptap
habang ako'y mauusok na kalsada
mga pulubi't mga ilaw na kumikindat
patuloy pa rin tayo sa pakikibaka

malayo man ang ating lakarin
ika'y mga bundok at matarik na bangin
habang ako'y lansangang lubak
at mga kalyeng binabaha't nangangamoy burak
hindi natin ito alintana
kahit pa nga kay tagal nang di nagkikita
patuloy lang tayo sa apgrerebolusyon
sa pagkikinis nitong tanging solusyon

ugnay natin ang mga titik sa mga sulat
ang di mayayakapa na kalawakan
ang ulap at mga langay-langayan
ang araw sa umaga at hapon
ang mgaala at ang buwan sa gabi
kahit batbat tayo ng mga gasgas at sugat

-maria baleriz

Huwebes, Mayo 15, 2008

padlak

Walang komento:
ganito nga yata talaga
malungkot
tahimik kapag nag-iisa
pero paano na?
kung ang dahilan ay mali
at ang tanging sala
gawin ang matuwid para sa mamamayan
ito ba ang wasto?
makatarungan nga bang ganito?
ang mapiit
ang mabilanggo
dahil sa ipinaglaban mo
ang karapatang para sa kanila
silang mga inagawan ng lupa
na halos hindi na nga alintana
ang hirap at sakripisyo
silang mga binabansot ang sahod
na halos dugo na ang pawis na ipinapatulo
mahusto lang ang paggawa't matapos
silang mga pinagkaitan ng karapatang edukasyon
na sana'y naisakatuparan ang pag-asa ng kahapon at ngayon

itanong mo man ang lahat ng naiisip
wala pa ding tugon
alam ko
hanggang hindi ka kasama
upang ipaglaban ang paglaya
ang tunay na demokrasya
pagkamit ng karapatang alam mo
at ng marami
na para sa kabutihan ng masa
kapara natin ay yamang nakahawla
isang ibong nakakulong
isang kabayong kasa kuwadra
isang isdang naka-aquarium
isang baboy na nasa koral
dalawang paang nakakadena
dalawang kamay na nakagapos
ayo'y mga biktima
naka-padlak sa nabubulok na sisitema

musmos

Walang komento:
sa iyong sinapupunan ako'y namulat
musmos kong isipan hinubog mo sa hirap
upang di mabalino sa kulog na panggulat
nitong mga mananakop na sa pagsasamantala'y tapat

sinong magsasabing sa karanasan ako'y salat
gayong ako'y batang pinanday mo sa pagdurusang nalasap
sa katanghalian ng aking pagkakalalang
ang dating musmos na bata
may bitbit na ngayong tapang

ang pangarap na paglaya'y isinasakatuparan
mahusay na isinusulong pakikibaka ng mamamayan
tanikalang bitbit ng ilang daang taon ng pakikipaglaban
lalagutin ng punglo kasama ang nagngangalit na sambayanan

Miyerkules, Mayo 14, 2008

inay

Walang komento:
ikaw at ang kaarawan ng iyong pagkalikha
aking pinagpapasalamat sa kung sino man ang lumikha
di ko man nakita kung paano ka hinubog
ng iyong paligid na nalipos ng tunggalian
dama ko ang hirap na matagal mo nang binabata

at sa totoo kaya ko din ito ginagawa
ang makibaka para sa tunay na paglaya
upang wala ng nanay, ina, mama, at iba
pang ilaw ng tahanang tatangis
sa tuwing gabi ay sasapit
napupuno ng pangamba ang dibdib
sapagkat wala pang kanyang mahal sa paslit
na sa murang edad ay nagpalaot
sa dagat ng panganib at masalimuot
upang gaurin ang pakikibaka
para sa sambayanang nilugmok
at nilulugmok pa sa burak na pagsasamantala

pero ina
huwag ka ng masyadong mangamba
sapagkat kagaya mo
hangad ko din ay kabutihan
para sa lahat at maging sa iyo
at sa mga susunod pang mga ina
at maging sa magiging apo mo
magandang bukas din ang hangad ko
kaya ginagawa ko ito
ang tanganan ang armas
at gamitin sa paglaya
kasama nating maglalakbay
ang maraming iba pa

kaya inay wag ka ng lumuha
pawiin ang pangamba
at sa pagdating ng araw
na di ko na makita ang takipsilim
maging masaya ka pa din
para sa akin
sapagkat hindi nasayang
ang iyong mga aral
dito sa isipan ko'y yamang
pakaiingatan
kahit sa sandaling pagpikit ko'y
di na dumilat para masilayan
ang gintong sikat ng araw

Martes, Mayo 13, 2008

Lawa

Walang komento:
papalubog na ang araw ng aking kitang pagmasdan
at sa marahan niyang paglubog mula sa marikit na kalawakan
ikaw ay matama kong iniisip tinititigan
di maiwasang makadama ng pangamba
lalo't ngayon bumubungad demolisyong nakaamba
labi't mga alaala ng iyong naitulong
upang kabuhayan sa kasalukuyang panahon
kahit papaano maitawid ang gutom
sa kabila ng katotohanang busabos ang kalagayan
yayat ang iwing yamang pilit pang kinakamkam
ng mga panginoong ganid
at dayuhang sagadsagarin sa kasamaan

baket?
ang tanong na nagpatigil sa aking pagsasalita
salitang nagpaumid sa aking dila
baket patuloy na tumatangis ang mga paslit
at sa pag-awit nila ng himig
dumadagundong ang pagtambol ng kumakalam na sikmura
upang higit pang kinisin ang musikang tinotono
kasabay ng mga luhang bumabalong sa paningin
nagwawala ang garalgal nilang boses
na naghahanap ng hustisya
sa maraming mga katawang humandusay sa lupa
at mga buhay na lumutang sa gitna ng laot
para ipaglaban silang mga dinuduhagi
ng mapagsamantalang sistema
para lang maglingkod sa dayuhang
ganid sa tubo at ganansya

pamagatan

Walang komento:
ibig ko na marinig ang alamat mo
o dili kaya ang epiko ng iyong pagkatao
mabasa ang talaarawan ng iyong pakikibaka
at silipin sa pahina ng iyong talambuhay
kung ako ba'y naisulat mo kasama




ikaw ang hardin ng aking pagtatangi
at iyong pinagyayaman ang paglaban
sa iyo nakatanim ang isang bulaklak
na sa kalagitnaan ng aking pagkalalang
pumukaw pang higit sa nagmamahal ng damdamin
na matagal ng inalay sa bayan

magiliw na totoo ang katangian
ngunit batid ko ganoon din ang karamihan
subalit ewan ko
mayroong nasa iyo
na labis marahil ang sa aki'y epekto
ng ngayo'y nagmamahal na pagkatao

ibig ko na marinig ang alamat mo
o dili kaya ang epiko ng iyong pagkatao
mabasa ang talaarawan ng iyong pakikibaka
at silipin sa pahina ng iyong talambuhay
kung ako ba'y naisulat mo kasama

ang mga ulirat ay sumasayaw
sa masalimuot na hanggahan
kahit ako man ay luluha
sapat ng natagpuan ka't nasilayan
sa saliw ng musikang likha ng paglaban


-maria baleriz

Huwebes, Mayo 8, 2008

itaga mo sa bato

Walang komento:
nais kong marinig ang iyong tinig
at hiling kong kahit isang salita
ibulalas ng iyong bibig
sapat na ang ganoong panimula
upang ang isip mo't isip ko'y magkaunawa

nais kong marinig ang iyong hinaing
at hiling kong kahit sa mga titik
ng iyong akda mabasa ko ang iyong
nadarama at napala
sapat na ang ganoon ika nga
upang ang nadarama mo at ng madla
ay aking mapagtugma

nais kong marinig ang iyong karanasan
at hiling ko na kahit sa mga parirala
ng iyong mga awiting naisulat na
madama ko ang hirap na binabata
sapat na ang ganoon siguro
upang ang iyong laban at ng masa ay
mapagbigkis at tumimo

nais kong marinig ang iyong kasaysayan
at hiling ko na kahit sa mga hinagpis
ng iyong mga kwento ng paglalakbay
na iyong sinuong ng 'di na mabilang
na paghakbang pasulong
makita ko sa aking gunamgunam
ang masalimuot na pakikibakang
iyong napangibabawan
sapat na ang ganoon marahil
upang ang landas na tatahakin ko
at ng iba pa ay maging matuwid

sa diwa ng iyong pagbabaybay
at kasama pa ang epiko ng mga 'di mabilang
na nabuhay at nasawi sa digmaan
digmaan ng walang hanggang paglaban
para sa tunay at ganap na kalayaan
ng masang patuloy na binubusabos
at inaalisan ng yaman at dangal
batid kong magtatagumpay tayo
malulupig ang mga ganid at
mapagsamantalang mga dayuhan
kakainin ng lupa silang mga
walang hinagad kundi pagdurusa ng kapwa
nila at kababayan...

itaga mo sa bato
itaga mo sa bato
magaganap iyan
magaganap
hindi mo lang maririnig
kundi iyong masasaksihan

Miyerkules, Mayo 7, 2008

tagumpay

Walang komento:
hinahanap kita sa mga rosas at katleya
bago pa man tumilaok ang manok sa umaga
nasilayan ko kung paano lumuha ang hangin
mga luhang sinalo ng mga bulaklak sa hardin
sa halimuyak tiyak na walang papantay
kariktang tangan ay tumingkad lalo sa kulay
habang lumilipad ang lanay-langayan
umaawit ng isang himig ang sambayanan
nais kong matagpuan ang awit ng paglaya
sa takipsilim ng buhay 'di dapat magpabaya
tumakas na ang takot kahit buhay itataya
kahit nagtatanong kung maaabot ka pa kaya?


-maria baleriz

Martes, Mayo 6, 2008

obra kitang ikakatha

Walang komento:
awit ko sayo'y akin ngayong nilikha
sa kabataan ng hapong umuulan ng hinuha
ang mga nota' sa bahaghari tumatatak
katulad ng mga naglipanang bulaklak
habang pinagbubuti ang bawat salita
sinisikap maitampok itong damdaming binabata
kay aliwalas ng paligid na aking sinusulit
habang buong ingat kitang iginuguhit
mula sa mga linya at talata
obra kitang ikakatha...


-maria baleriz

Ang Maghimagsik ay Makatarungan

Walang komento:
lumuha ka ng mga himig
kung nagiging masakit ang pagtindig
hayaan mong ang hapdi'y tangayin
ilayo ng lumalaban mong tinig
asahan mong sayo'y aagapay
kahit sa puntong di makagulapay
huwag sanang magduda
kailangan lang talagang magpatuloy sa pakikibaka
sapagkat sa kasalukuyang panahon
ang lipunan ay mapanganib na alon
kung di ka kikilos
kung di ka lalaban
bangkay kang pupulutin kinabukasan
tiyak magiging laman ka ng pahayagan

itinatanong mo ba sa akin bakit ganito ako mangusap?
ang tugon ko'y paglaban.
kung itinutulak ka man ng aking mga salita
tiyak kong ito'y para sagipin ang
sambayanang inaalipusta

kaliwa't kanan ang nawawala
makukuha mo pa bang tumunganga?
kabikabila ang nagugutom
paanong di ka mananawagan ng rebolsuyon
kay raming kabataang di makapag-aral
taun-taon pang dumadami ang bilang
samantalang itong gobyerno'y manhid na demonyo
pandarahas pa ang sagot sa protesta ng mga tao

uring anakpawis patuloy na naghihirap
kapatid nating manggagawa'y dugo na ang pumapatak
subalit ang sahod nila'y kay sahol kung pumatak

ngayon.
sabihin mo.
dapat bang manahimik?
kung sa iyong paligid ay pagsasamantala ang hinahasik?
ng mga punyeta't ganid na nasa gobyerno
mula sa dikta ng mga imperyalistang demonyo?

...kaya kung marinig mo man
sapat lang marahil at tama lang na aking ituran

...ang maghimagsik ay MAKATARUNGAN!


*

ikaw ay talinghaga

Walang komento:
lumuha ka
lumuha ka
lumuha ka ng dugo kung kailangan
kung itong pagpatak ng dugo ang paraan
at siyang didilig sa pagyabong
nitong rebolusyong pinaglilingkuran

lumuha ka
lumuha ka hanggang masaid ang luha mo't dugo
at wala ng ibang dadaloy
kundi ang nag-aalimpuyong galit sa puso

kabataan, tabanan mong mahigpit ang kasalukuyan
at gamitin ang armas na wawasak sa
mga naghahari-harian

kabataan, ikaw ay binansagan
bilang pag-asa nitong lupang tinubuan
binusog ng pambubusabos at pagsasamantla
ng mga ganid na dayuhan at mga lokal na tuta nila

patuloy kang lumaban
at patuloy kang lalaban
at marahil
dahil ganoon na nga ang iyong kalikasan
ang maging katuwang ng tagapagsulong
ng interes at kapakanan ng iyong
bayang unti-unti ay tinatalupan
ng yaman at dangal

iwasiwas mo ang karit
ihambalos mo ang maso
papaulanan mo ng punglo
ang mga ganid na demonyo
mga imperyalista't alipores
nito sa gobyerno

upang wakasan ang pambubusabos
upang wakasan ang pagsasamantala
upang isakatuparan ang paglaya ng masa!

pagpapaskil ng akda

Walang komento:
buhayin mo ako, kasama
buhayin mo ako sa pagkabulagta
sa ideolohiyang walang kwenta,
walang bait sa masa, sa kasama.

buhayin mo ako,
sa aking kaduwagan,hubdan mo ako
nang ako'y di magsilbi liban sa tao
sa lupalop ng mga bayani't makata,
mangingibig at magsasaka,
mababait at manggagawa,
mga mang-aawit at mapagkasama..
buhayin mo ako sa buhay nila,
sa kadalisayan ng kanilang ngiti at luha
sa ganda ng kanilang gabi at gunita
sa pangarap ng ano pa nga ba't Paglaya.

wasakin o yari kong selda,
pagkagapos sa sariling pagdududa,
kalungkutan sa di mabilang na kabiguan sa tunggalian.
ipaalala mo na ni minsan 'di ako nag-isa
'di ako naghirap ng para sa wala
ipaalal mo na ako'y naglalakad sa anino ng mga magiting,
mga di maantig ng tumagos na bala,
mga pinagigting ng taas-kamaong kamatayan ng mga kasama

buhayin mo ako hanggang sa kaya kong
tumingin sa mata ng masa at masabi kong
tunay ngang ako'y nabuhay at ngayo'y nakikibaka...


-jess m. cale
**ang tula ay hango isang gabing unang narinig na may-akda ang "mabuhay ka" ni Emmanuel Lacaba

*ipinaskil ko ang tulang ito ng isang kaibigan, jess m. cale, upang ibahagi sa lahat ang sa aking palagay ay isang mahusay na akdang magmumulat sa diwa mong nahihimbing sa burges na kultura.
manggigising sa isipang nalulunod tila sa hibang na paniniwala ng burgesyang mapagsamantala. gulantangin ang muwang mo sa pagkalango sa kawalang kwentang pagkilos para sa sarili at sa ambisyong di mo namamalayan ay nagsisilbi pa sa ibayong paghihirap ng sambayanan....

sapagkat ang edukasyon ay rebolusyon

Walang komento:
sa pusikit na gabi
iniisip ko ang pagkakataon
paano si benjie
paano si elsa
paano si apeng
paano si loisa
paano si mak-mak
paano ang mga tulad ni kakay
...ni metring
...ni berta
...ni lando
...ni nena
...ni kulaps
at ng maraming iba pa

mga walang makain
mga walang matirhan
mga di pinalad makapag-aral
silang idinadaan sa pag-iyak
ang kumakalam na tiyan
pakunswelo na ang pagtulog sa
hirap ng maghapon
kahit sa malamig na sahig ng bangketa
kung saan bubunuin nila ang mga panaginip
umuulan man at mabasa ang hapong katawan
magkaroon lamang ng larawan mga
inagaw na pangarap
pagbangon naman namin
ititindig ang karapatang ninanais
at ang edukasyong minimithi
tiyak na makakamit

subalit huwag kang magtataka
huwag magugulat
huwag mong kuwestyunin
kung masaksihan ng iyong mga mata
masilayan mo kami sa gitna ng kalsada
ubos lakas na humihiyaw
tangan ay karatula at plakards
ng aming pag-alam sa bulok na sistema
bitbit ay mga papel pang-propaganda

huwag.
huwag kang magtaka.
kung imbitahan ka't tawagin na sa ami'y sumama
at ipaglaban natin ang EDUKASYONG karapatan
ng malawak na masa
huwag
huwag kang magulantang
kung manawagan kami ng paglaban
kung marinig mo man mula sa aming bibig
panawagan nami'y isulong ang
rebolusyong iniibig
mailap ang edukasyon
at kalakhan ay walang
makabayan, syentipikoo at makamasang edukasyon
subalit hindi ibig sabihin
wala kaming natutunang aral o leksyon
dahil ang aming panawagang pagbabago
mula na rin sa mayamang karanasan
ito ang nauunawaan
na hindi kailangan ng diploma
o lisensya o kahit anong magastos na katibayan

wala na kaming takot
wala na kaming pangamba
sapagkat batid namin ang nararapat
at dapat naman talaga
pagtulungan nating hawanin
ang landas para sa pagbabago
para sa pakikibaka
sa nabubulok na sistema
sa edukasyong pinapangarap na matamasa
gawin na natin
sapagkat ang edukasyon ay rebolusyon!

ang aking habilin

Walang komento:
*isang tula ng isang dakilang ina na kaisa sa pagsusulong ng karapatan at interes ng sambayanang pinagsasamantalahan. isang dakilang ina na patuloy sa pagkalinga sa marami pang anak nitong rebolusyong ating tinutungo at pinaglilingkuran...

ipinapaskil ko para na din sa paggunita sa araw ng mga dakilang ina sa buong mundo...
pagpupugay kay nanay at patuloy nawa ang mga nanay na maging tulad din niya na lumalaban para sa ganap na paglaya...

ANG AKING HABILIN

nang gabing kayo'y dumating dito sa aming tahanan
patawarin ako, pagkat tunay ako'y nagulantang
pagkat ang bumungad sa aming pintuan,
akala ko'y mga paslit at may murang isipan
subalit sa bawat araw na nagdaan,
mga kabataan mang naturingan
puso, isip at damdamin, sadyang
inilaan para sa inang bayan lang

kaya sa inyong paglisan
ako sana'y may habilin
ano mang dagok ang sa daa'y humadlang
huwag hihinto!
huwag susuko!
ituloy ang laban, hanggang
ang kalayaan, tuluyang
makamtan!

Linggo, Mayo 4, 2008

isang awit ng paglisan...

Walang komento:
*ito ang buong sipi ng mga titik na hinanay ng isang mahusay na kasama.
mainam.makahulugan.lumalagos sa puso.


kung ako ay wala na
kung ako ay wala na
wag kang malungkot
ako ay lumisan
ngunit di kayo nalimot
dala ka kahit saan
ang bawat alaala
ang hirap at saya
ng ating pakikibaka
.
kung ako ay wala na
wag kayong malulumbay
ang lagi nyong isipin
di nasayang ang aking buhay
akoy namatay
na simbigat ng bundok
tanaw ang pulang silangan
pag narating ang tuktok
.
kung ako ay wala na
kayoy di dapat mapoot
magpalakas,sulong lang
makibaka wag matakot
ang aking paglisan
dapat mging masaya
at kayo,tulad ko
mabuhay ng para sa masa
.
kung ako ay wala na
kayo sana lhat ay umawit
at wag kayong titigil
hanggat laya'y di nakakamit
maaari kayong umiyak
subalit wag habambuhay
humugot sakin ng lakas
at ang buhay sa bayan ialay

-neil ambion