ganito nga yata talaga
malungkot
tahimik kapag nag-iisa
pero paano na?
kung ang dahilan ay mali
at ang tanging sala
gawin ang matuwid para sa mamamayan
ito ba ang wasto?
makatarungan nga bang ganito?
ang mapiit
ang mabilanggo
dahil sa ipinaglaban mo
ang karapatang para sa kanila
silang mga inagawan ng lupa
na halos hindi na nga alintana
ang hirap at sakripisyo
silang mga binabansot ang sahod
na halos dugo na ang pawis na ipinapatulo
mahusto lang ang paggawa't matapos
silang mga pinagkaitan ng karapatang edukasyon
na sana'y naisakatuparan ang pag-asa ng kahapon at ngayon
itanong mo man ang lahat ng naiisip
wala pa ding tugon
alam ko
hanggang hindi ka kasama
upang ipaglaban ang paglaya
ang tunay na demokrasya
pagkamit ng karapatang alam mo
at ng marami
na para sa kabutihan ng masa
kapara natin ay yamang nakahawla
isang ibong nakakulong
isang kabayong kasa kuwadra
isang isdang naka-aquarium
isang baboy na nasa koral
dalawang paang nakakadena
dalawang kamay na nakagapos
ayo'y mga biktima
naka-padlak sa nabubulok na sisitema
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento