Linggo, Mayo 18, 2008

isa ka ng ganap na Babae

hindi man natin nasaksihan
kung paano sya umaatungal
tuwing nagugutom o naghahanap ng pansin
kung paano napunit ang matatamis na ngiti
sa napakagandang mukha
noong sanggol siya't
inihehele pa ng mapag-arugang kamay
ng kanyang ina at ama
nakakalugod at nabigyan tayo
ng pagkakataon na makilala siya

salamat.
sa isang simpleng kasama.
huwarang...
anak
kapatid
pinsan
pamangkin
apo
kaibigan
kamag-anak
lider

...rebolusyonaryo

ang kanyang pagkalalang ay isa sa pinakamagandang
kasaysayan na di mo pagsasawaang mabasa
ang kanyang pagkatao ay isang tula:
malalim
matalinghaga
hitik sa isang libo't
'sang laksang mga salita
mga kataga
mga linya

mga pahayag
ng pakikibaka
ng inspirasyon

nakasimangot kapag nalulungkot
lumuluha kapag nasasaktan
at naantig ang damdamin
niyang likas na mapagkalinga
ngumingiti at humahagalpak
ng tawa kapag maligaya
kapag nakanti natin ang
masiyahin niyang pagkatao

mabait, mapag-aruga, masiyahin

maraming salita pa ang maaari nating maisip
upang isalarawam ang mga katangiang
iguguhit ang tunay na siya
humigit kumulang siya
mga salitang magaganda
at maging panget ay mainam din naman
sapagkat siya ay taong may kahinaan

marami pa
at di sasapat na
isalarawan siya sa isang salita
at sa araw ng pagkalalang sa iyo
isa ka ng ganap na Babae
isigaw mo sa buong mundo...


-maria baleriz

*tulang nilikha para sa ika-18 taong kaarawan ng isang kasamang tunay at tapat na naglilingkod sa sambayanan. para sayo kasamang Cela

Walang komento: