Huwebes, Mayo 29, 2008

'sunken'

kay ganda at kay yabong ng iyong
luntiang paligid at anyo

may damdaming di maipaliwanag
ang hatid sa puso

at isang pangarap na sa
tuwina'y pinananabikan ko

kasabay ng langit na tumatangis
ay lumuluha akong totoo

upang ikubli 'di lang sa kagandahan mo
ang mga hinagpis at luha

kundi maging sa tinatangi ng
puso kong lipos na hinala

hinala na marahil
iniibig ko na nga siya

hinala na marahil siya
at siya ang ibig ko na makasama

hindi man sa tabi ko
kung hindi kasama at kasabay
kahit magkalayo sa bisig na isa't-isa
at tinitiis ang lamig ng gabi

o di man maghinang ang mga uhaw
na labi sa nasasabik na sandali
ang mahalaga naman
dahil tunay kaming umiibig

kapiling natin ang masa at matapat
na naglilingkod para sa pagmamahal
natin sa kanila at sa tunay na paglaya...

1 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Naalala ko bigla yung isang tula ni Mulong Sandoval:

"Napopoot tayo pagkat tayo’y nagmamahal; nagmamahal kaya’t braso’y humahataw".

-Romulo Sandoval, Pagkat Tayo'y Nagmamahal