ibig ko na marinig ang alamat mo
o dili kaya ang epiko ng iyong pagkatao
mabasa ang talaarawan ng iyong pakikibaka
at silipin sa pahina ng iyong talambuhay
kung ako ba'y naisulat mo kasama
ikaw ang hardin ng aking pagtatangi
at iyong pinagyayaman ang paglaban
sa iyo nakatanim ang isang bulaklak
na sa kalagitnaan ng aking pagkalalang
pumukaw pang higit sa nagmamahal ng damdamin
na matagal ng inalay sa bayan
magiliw na totoo ang katangian
ngunit batid ko ganoon din ang karamihan
subalit ewan ko
mayroong nasa iyo
na labis marahil ang sa aki'y epekto
ng ngayo'y nagmamahal na pagkatao
ibig ko na marinig ang alamat mo
o dili kaya ang epiko ng iyong pagkatao
mabasa ang talaarawan ng iyong pakikibaka
at silipin sa pahina ng iyong talambuhay
kung ako ba'y naisulat mo kasama
ang mga ulirat ay sumasayaw
sa masalimuot na hanggahan
kahit ako man ay luluha
sapat ng natagpuan ka't nasilayan
sa saliw ng musikang likha ng paglaban
-maria baleriz
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento