lumuha ka ng mga himig
kung nagiging masakit ang pagtindig
hayaan mong ang hapdi'y tangayin
ilayo ng lumalaban mong tinig
asahan mong sayo'y aagapay
kahit sa puntong di makagulapay
huwag sanang magduda
kailangan lang talagang magpatuloy sa pakikibaka
sapagkat sa kasalukuyang panahon
ang lipunan ay mapanganib na alon
kung di ka kikilos
kung di ka lalaban
bangkay kang pupulutin kinabukasan
tiyak magiging laman ka ng pahayagan
itinatanong mo ba sa akin bakit ganito ako mangusap?
ang tugon ko'y paglaban.
kung itinutulak ka man ng aking mga salita
tiyak kong ito'y para sagipin ang
sambayanang inaalipusta
kaliwa't kanan ang nawawala
makukuha mo pa bang tumunganga?
kabikabila ang nagugutom
paanong di ka mananawagan ng rebolsuyon
kay raming kabataang di makapag-aral
taun-taon pang dumadami ang bilang
samantalang itong gobyerno'y manhid na demonyo
pandarahas pa ang sagot sa protesta ng mga tao
uring anakpawis patuloy na naghihirap
kapatid nating manggagawa'y dugo na ang pumapatak
subalit ang sahod nila'y kay sahol kung pumatak
ngayon.
sabihin mo.
dapat bang manahimik?
kung sa iyong paligid ay pagsasamantala ang hinahasik?
ng mga punyeta't ganid na nasa gobyerno
mula sa dikta ng mga imperyalistang demonyo?
...kaya kung marinig mo man
sapat lang marahil at tama lang na aking ituran
...ang maghimagsik ay MAKATARUNGAN!
*
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento